^

PSN Showbiz

Dating masayahing female personality matindi ang depresyon, pamilya kumonsulta na

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang ipinagmamakaingay ng kanilang pamilya pero nakatakda palang sumailalim sa isang proseso ang isang kontrobersiyal na female personality.

Matindi kasi ang kanyang pinagdaanan nitong mga huling buwan, nalagay siya sa isang posisyon na wala namang katotohanan, pero winasak na ang buo niyang pagkatao.

Kuwento ng aming source, “Maraming kababayan nating inaatake ng depression at anxiety ngayong pandemya. Nakakatakot nga naman ang mga nangyayari, milyon ang namamatay sa buong mundo, napakahirap pa ng buhay dahil nawalan ng trabaho.

“Hindi pa natin alam kung kailan tayo babalik sa normal, bumababa nga ang numero ng mga nagkakaroon ng COVID-19, pero nakakatakot pa rin ang panahon.

“Normal lang ‘yung pag-aalala at pagkatakot, pero iba‘yun sa nangyari sa female personality. Inatake siya ng depression, dahil sa araw-araw niyang tinatanggap na pag­husga sa bagay na hindi niya naman dapat panagutan,” ­unang komento ng aming impormante.

Apektado ang mental health ng female personality, sa kanyang edad ay hindi niya kinaya ang masasakit nasalitang ipi­nupukol laban sa kanya, aagapan ‘yun ng pamilya ng babaeng personalidad.

Patuloy ng aming source, “Naninibago ang family niyasa girl. Dati siyang masayahin, pero ngayon, palagi lang siyang nagkukulong sa kuwarto. Ibang-iba na siya ngayon.

“Kahit ang mga pinsan niya, naninibago sa kanya! Ang mga friends niya, miss na miss na ang dating siya namasayahin at playful.

“Tinututukan ng family niya ang sitwasyon, kailangan niyang mag-undergo ng psychological test, mahirap na nga namang mauwi pa ‘yun sa depression.

“Iba pa naman ang panahon ngayon, maraming kabataan ang mada­ling sumuko sa laban. Tama lang ang decision ng pamilya niya, kailangan talagang inaagapan ang ganu’n.

“Nakakaawa naman ang female personality, maghapon siyang pinakakain ng mga salitang ni hindi nga makain ng asong gutom. Pinagbintangan siyang kabit kahit wala naman siyang kinalaman sa paghihiwalay ng isang showbiz couple!

“Buti na lang at very caring ang family niya, suportado siya sa laban, hin­ding-hindi siya pababayaan. Masuwerte ang girl, may pamilya siyang nagmamalasakit sa kanya,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Mga anak nina Aljur at Kylie, hindi apektado ng kanilang problema

Ilang dekadang nagtrabaho sa Japan si Daddy Jojo Abrenica bilang bokalista ng kanyang banda. Sa kanya nagmana ng husay sa pagkanta sina Aljur at Vin.

Ilang beses namin silang kinuha para mag-concert, propesyonal silang kausap, kahit maliit na problema ay walang naengkuwentro sa kanila si Japs Gersin na tumatayong executive producer ng aming shows.

Nu’ng minsang dumating sa aming gallery si Aljur, bagong paligo, may dala-dala siyang tape para mapag-aralan daw ng bandang aakumpanya sa kanila. Ganu’n sila kadaling dalhin, hindi nila binibigyan ng problema ang prodyuser.

Marespeto sa kanilang mga magulang sina Aljur at Vin, para silang magkakabarkada kung mag-usap, masaya ang kanilang pamilya.

Isang araw ay may tumawag sa amin, napanood na raw ba namin ang video kung saan sama-samang nagbi-videoke ang mag-aama, pinanood namin ‘yun.

Napakaganda nilang panoorin, wala kang itatapon kina Daddy Jojo, Aljur at Vin, magagaling talaga silang mag-show kahit nandu’n lang sila sa resort-restaurant nila sa Batangas.

Napansin namin na sa kabila ng mga nagaga­nap kay Aljur ay buung-buo ang kanilang samahan, pansamantala nilang kinalilimutan ang naganap sa buhay nina Aljur at Kylie Padilla, idinadaan na lang sigu­ro nila sa pagkanta ang kalungkutan.

Naging maramot ngayon si Mommy Amor sa pagbibigay ng komento, pagod na kami sa katatawag sakanya, pero walang sagot. Nu’ng unang­ pumutok ang balitang hiwalay na ang mag-asawa dahil na rin sa mga posts ni Kylie ay nakausap pa namin si Mommy Amor.

Ang tangi nitong sinabi, “Matapos na sana ang problema kahit para man lang sa mga bata. Naaawa ako sa mga apo ko.”

Nasa poder ni Kylie sina Alas at Axl, dumadalaw-dalaw lang sa mga bata si Aljur, ‘yun ang payo ng kanyang mga magulang.

Kung may problema man sila ni Kylie ay kailangang nakikita-nakakasama siya ng kanyang mga anak kaya madalas niyang dalhin ang mga bata sa resort nila sa Batangas.

At wala pa talagang malay sina Alas at Axl sa mga nagaganap, masaya ang mag-aama kapag magkakasama, buo ang kanilang mundo kahit pa hiwalay na ang kanilang mga magulang.

vuukle comment

ALJUR

KYLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with