^

PSN Showbiz

Gerald, nakita agad ang tunay na ugali ni Gigi

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakatambal sina Gerald Anderson at Gigi de Lana para sa Hello Heart. Para sa aktor ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ang bagong romantic series. “Napaka-exciting kasi first major show ni Gigi, hindi ba? So exciting para sa fans niya. It’s something na unexpected, something na new kaya marami ring nagulat no’ng in-announce. Personally I am very excited kasi ang cute at light pero maraming values na mapupulot sa kwento namin. On a personal note ‘yung mga project ko lately medyo intense. So it’s a good breaker. And from YouTube and Showtime, ‘yung mga fans niya ay mapapanood na siya sa ganitong platform,” nakangiting pahayag ni Gerald.

Aminado naman si Gigi na talagang nakaramdam siya ng pagkailang kamakailan kay Gerald. Ayon sa baguhang aktres ay agad niyang ipinakita sa binata ang kanyang tunay na ugali noong una pa lamang pagkikita. “Una kasi very intimidating siya pero noong nakausap ko na siya sobrang bait, sobrang gentleman. Inaalalayan ako kahit first meeting pa lang namin. Tapos napakita ko agad sa kanya ‘yung kulit ko na parang kilala ko na siya. Ang galing,” pagbabahagi ni Gigi.

Para naman kay Gerald ay malaking bagay na agad niyang nakilala si Gigi para mas maging magaan ang kanilang pagtatrabaho. “Very natural, genuine na tao. Kumbaga pinapakita niya agad ang pagkatao niya, ‘yung personality niya. As actor at bilang partner sa show na ito ay malaking bagay ‘yon. Kasi kumbaga ‘yung ice breaker, mabi-break agad kasi dahil sa personality niya. She’s very bubbly and medyo dikit sa character na ginagawa niya,” paglalahad ng aktor.

 Mylene, iniiwan ang mga anak sa kanyang ex-in laws

Sa loob ng mahigit dalawang dekada ay naging aktibo si Mylene Dizon sa show business. Masaya ang aktres dahil kahit minsan lamang nakapagbida sa proyekto ay maraming karakter na ang kanyang nagampanan. “Kadalasan hindi ko naman hinahanap ‘yung pagiging bida eh. Ang importante sa amin kung ano ba ‘yung role at paano namin magagampanan ng mabuti, now to give it justice. I think that’s the main job description namin bilang artists. Personally hindi naman ako star, I’m in it for the craft. And that makes me feel good that I’m able to represent,” paliwanag ni Mylene.

Kapag mayroong lock-in taping ay kinakailangan umano ng aktres na iwanan ang dalawang anak na lalaki sa mga magulang ng dating kasintahan na si Paolo Paraiso. “’Yung mga anak ko iniiwan ko sa parents ni Paolo, father of my children. I’m super thankful kasi medyo naging magulo ‘yung huling schedule namin nitong taping and there were so many changes but they were kind enough to let my children stay longer and really took care of them and helped them kahit na mga questions ‘yung mga bata tungkol sa online schooling, sa mga klase nila. Sometimes it gets difficult for grandparents to go back and recall some lessons ‘di ba? So they had to relearn some things. ‘Yung sister ni Paolo was there and the Paraisos were really, really nice and generous,” kwento ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with