^

PSN Showbiz

Maymay, may payo sa mahihilig magkumpara ng sarili sa iba

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maymay, may payo sa mahihilig magkumpara ng sarili sa iba
Maymay

May sagot sa toxic na beauty standards si Maymay Entrata sa single niyang Amakabogera mula Star Pop.

Ayon kay Maymay na hinirang ng netizens bilang bagong solo star ng P-pop movement, tungkol sa self-empowerment ang bago niyang kanta. “Lahat ng tao parang may iisang standard ng pagiging maganda depende sa kung ano ang uso o sinasabi ng lipunan. Itong Amakabogera kanta tungkol sa pagiging confident sa kung sino ka sa kabila ng matataas na standards ng mundo.”

Paalala rin niya sa mga makikinig nito na ‘wag pagdudahan at ikumpara ang sarili sa iba. “Maganda ka, unique ka, at malakas ka. ‘Wag mo hayaan na agawin ng mga standard nila ang korona mo.”

Hinihikayat ng Amakabogera ang bawat isa na ‘wag matakot maging confident at yakapin ang sarili nilang ganda kahit ano man ang sabihin ng iba. Si Star Pop head Rox Santos ang nagprodyus nito.

Bukod sa nakakaindak na beat at matapang na lyrics, maririnig din sa Amakabogera ang galing ni Maymay bilang singer, na nagpapatunay na isang siyang all-rounder na may dynamic na tunog at kakaibang artistry.

Inilabas na rin ang music video ng Amakabogera noong Biyernes (Oktubre 22) na idinirek ni Amiel Kirby Balagtas kung saan makikita si Maymay na rumarampa sa runway, todo ang pagsayaw sa nakakaindak na choreo, suot ang nakakaakit na isang pulang dress, at syempre, may ‘just-woke-up’ look din siya rito na nagpapakitang proud siya sa kanyang natural na ganda. Sa ngayon ay meron na itong higit 500,000 views.

Sa Nobyembre 26 (Biyernes), magaganap na rin ang unang digital concert ni Maymay na Mpowered na mapapanood sa KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV kasama ang mga special guest na sina Darren Espanto, AC Bonifacio, Mimiyuuuh, at Nyoy Volante.

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with