^

PSN Showbiz

Pagbubunyag ni Cristine sa pang-aabuso ng ina, wala sa timing!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pagbubunyag ni Cristine sa pang-aabuso ng ina, wala sa timing!
Cristine
STAR/ File

Ewan ko rin kung ano naman ang nangyari kay Cristine Reyes at biglang naging issue rin ang mother - daughter relationship nila ng kanyang ina.

Bigla na lang inilabas ni Cristine ang ilang pribadong bagay pampamilya na ikinagulat ng publiko.

‘Yung ilang beses na ginusto raw na sana ay hindi siya isilang at ilan pang bagay.

Ewan kung ano ang naganap para gawin ito ni Cristine  ngayon lalo pa nga at isa na rin siyang ina.

Whatever it is, parang wala sa timing ang nangyayari. Matagal nang panahon, heto at isa ka na ring nanay, bakit kailangan ngayon pa ilabas iyang issue na iyan kung totoo man?

Hindi ba naisip ni Cristine ang magiging repercussions nito kung sakali? Ano na lang ang puwedeng masabi tungkol sa kanyang ina?

Maganda naman ang naging buhay nila ni Ara Mina na kapatid niya, sana ito na lang ang tiningnan ni Cristine.

No matter what, nanay pa rin niya ito. At kung anumang nangyari sa past, iniwan na sana niya dahil maganda naman ang kinalalagyan niya ngayon.

Honour thy father and thy mother, isa iyan sa lagi nating tatandaan. At isa iyan sa magdi-define sa atin.

Emosyon ng mga tao, nagiging toxic sa pandemic

Bakit parang ang gulo ng mga nagaganap ngayon? Dirty linens na inilalabas sa publiko, parang talagang pati emosyon ng tao pinasok na ng CO­VID dahil very toxic na.

‘Yung away mag-asawa na nagiging very dirty, mga akusasyon ng isang anak laban sa kanyang ina.

Para bang naghahanap ng outlet ang galit na nasa loob ng bawat isa para ilabas. Not so good dahil palapit pa naman ang Pasko. Not so good dahil isinasabay natin sa pandemic.

Dapat talagang matapos na ito, grabe na. Dahil sa boredom kung anu-anong issues na ang lumalabas. Back to normal na, please.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with