^

PSN Showbiz

Tom at Carla, sa ibang simbahan ikinasal!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tom at Carla, sa ibang simbahan ikinasal!
Tom at Carla
STAR/ File

Inilipat pala ng simbahan na pinagkasalan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana nung nakaraang Sabado, Oct. 23.

Ang nasa imbitasyon nila at ang unang napabalita base sa kanilang marriage banns ay sa Madre de Dios Chapel sa Talisay, Batangas at sa Affinitrees Tagaytay ang reception.

Pero nabago ito dahil medyo may kalayuan na ang pinili nilang venue. Ginanap ang kasal sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas at ang reception ay sa El Jardin Zaida doon din sa San Juan.

Napakaganda ni Carla sa  kanyang suot na Monique Lhuillier gown at kitang-kita ang masaya nilang mukha ni Tom habang ginaganap ang misa na mismong si Bishop Teodoro Bacani ang nag-officiate.

Nakalagay sa imbitasyon na anim na pares ang ninong at ninang.

Taga-GMA 7 ang karamihan na kinabibilangan nina Atty. Felipe Gozon, Mr. Gilberto Duavit, Jr., Mr. Arnold Clavio, Mrs. Lilybeth Rasonable, Mrs. Redgie Magno at ang manager nilang si Popoy Caritativo.

Congratulations sa bagong kasal!

Aljur, maingat sumagot sa relasyon nila ni AJ

Hindi na sinagot ni Aljur Abrenica ang iba pa sana naming katanungan nang dumalo ito sa presscon ng pelikulang Manipula na pinagbidahan ng bagong sexy actress na si Ana Jalandoni.

Maingat ang sagot niya nang tinanong namin ang tungkol sa kanila ni AJ Raval. Ani Aljur; “Kami ni AJ ngayon may mga pinagdadaanan kami sa araw-araw ngayon. Pero we’re fighting ‘di ba?

“We’re doing our best to learn from it. ‘Yung may natutunan dun sa mga nangyari. To prioritize sa mga dapat na priority. Mag-focus sa mga importanteng bagay, but we’re still together.”

Ayaw na lang daw niyang ibahagi sa amin kung ano ang napapag-usapan nilang nadadamay si AJ sa isyu nila ni Kylie. “Nasa proseso pa rin ‘yung pag-uusap. It’s very personal. Nasa amin na lang ‘yun,” pakli ng aktor.

Samantala, nagpasalamat naman si Ana Jalandoni na pinayagan siya ng Viva na gumawa ng pelikula sa labas. Sariling produksyon naman niya kasi ito.

Gusto raw niyang i-invest ang naipon niyang pera sa paggawa ng pelikula. “Now kasi ‘tong savings ko, gusto kong may marating. Kaya pinasok ko ang pagiging producer,” pahayag ni Ana.

Bilib nga si Aljur kay Ana dahil talagang hands-on daw ito sa pag-asikaso sa kanyang film production.

Wala pang playdate ang pelikula, pero may kinakausap na raw silang streaming app na interesadong ipalabas itong Manipula.

Hindi lang daw sure si direk Neal Buboy Tan na direktor nito kung kayanin sa mga sinehan, dahil tiyak na kakatayin daw ito ng MTRCB.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with