^

PSN Showbiz

Oyoboy, sineryoso ang payo ni Vic na ‘wag siyang tularan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Oyoboy, sineryoso ang payo ni Vic na �wag siyang tularan
Kristine at Oyo
STAR/ File

Isa nga sa masaya at maayos ang buhay ng pagiging mag-asawa sa kasalukuyan ay sina Oyoboy Sotto at Kristine Hermosa na kamakailan lang ay iniluwal ng aktres ang pang-limang supling nila ni Oyoboy.

Sa nakaraang virtual mediacon ng 3rd anniversary ng Daddy’s Gurl, tinanong namin si Oyoboy kung ano ang laging ipinapayo ng kanilang Daddy kaya intact ang pagsasama nila ni Kristine at kahit ang iba pa niyang kapatid na sina Danica at Paulina.

Natawa si Vic Sotto nang sinabi ng kanyang anak na ang laging ipinapayo raw sa kanila ng kanilang Daddy ay huwag siyang gagayahin. “Hindi ko makalimutan ang advice ni Daddy nung wedding namin ni Kristine. Sabi niya ang advice na maibibigay ko sa ‘yo, huwag mo lang ako gagayahin okay ka. Naalala mo ‘yun, Daddy! Akala mo nakakalimutan ko ‘yun? Hindi ko nakakalimutan ‘yun.

“Sabi niya, huwag n’yo lang akong gagayahin, magiging ako raw ako,” natatawang pahayag ni Oyoboy, at natatawa na lang si Bossing Vic.

“Hindi naman biro ‘yun. Seryoso naman ‘yun!” pakli ni Bossing Vic.

“Sineryoso ko nga,” sagot naman ni Oyoboy.

“Very good. Very good,” natatawang tugon ulit  ni Bossing Vic.

Pero ngayon ay masaya na si Bossing Vic sa pagsasama nila ni Pauleen Luna, lalo na’t naka-focus sila ngayon sa pag-aalaga kay Talitha. “Oo naman! Sa edad kong ito, alangan naman...,” napapangiti pa ring pahayag ng bida ng Daddy’s Gurl.

Wala naman mahihiling pa si Bossing Vic, lalo na’t nakikita niyang masaya na ang kanyang mga anak na nakakabuo na ng pamilya.

Proud din siya sa achievements ni Mayor Vico Sotto, at ngayon ay nai-enjoy niya kasama ang kanyang asawang si Pauleen at nag-iisang anak nilang si Talitha na regular daw na nagbibigay entertainment sa kanya.

Matapos pagbintangangnagloko... Aljur, pinagdiinang love of his life si kylie

Inasahan na itatanong kahapon kay Aljur Abrenica sa presscon ng pelikulang Manipula na prinodyus ng AFlix Productions ang mainit na isyu sa kanila ni Kylie Padilla pero nagbigay lang siya ng statement, at hindi niya sinagot ang iba pang katanungan kaugnay sa isyu sa kanila ng misis.

“I’m not proud sa nangyari. The reason why nagawa ko ‘yun, I felt like nasad­sad na ako, nabugbog na ako. So, it was not my intention na maglabas ng ganu’ng post pero naramdaman ko talaga na kailangan kaya nagawa ko ‘yun.

“Ang sa akin, I think, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Hindi ko na siya gusto pang i-elaborate dahil pamilya ko pa rin sila

“I can still say na she was the love of my life. Talagang minahal ko ‘yung babaeng ‘yun. And I valued our family more than anything. So I was really affected nang nangyari ‘yun. I expect na sana ‘di ba? Pamilya ko pa rin sila, and may pagkakamali pa rin ako. And for the sake of our children, Alas and Axl, gusto ko na lang matapos ‘to. Hanggang dito na lang.

“She’s still the mother of my children, and may pinagsamahan pa rin kami. I will never forget that, pinagpapasalamat ko ‘yun.”

Nilinaw din naman ni Aljur na hindi naman daw nabago ang setup nilang mag-asawa na minsan ay nasa kanya ang dalawa nilang anak, minsan ay na kay Kylie rin.

Nagpapasalamat na lang ang aktor na tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya at may mga nagtitiwala pa rin daw sa kanya. Natapos niya itong pelikulang Manipula kahit nasa gitna siya ng problema.

Thea, tahimik sa bagong bf

Makiki-all-out party ang main cast ng Las Hermanas na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino at Faith da Silva sa All-Out Sundays ngayong araw.

Kasali naman sa comedy segment na Isla Fantasia si Mikoy Morales na dating boyfriend ni Thea. Ewan ko lang kung nagkita sila roon sa studio ng AOS, pero sabi naman nila kahit break na nanatiling friends pa rin naman sila.

Bago pa lang daw ang kasalukuyang boyfriend, at happy lang daw siya dahil bukod sa kanyang pamil­ya, nagbibigay rin daw ito ng inspirasyon sa kanya. “Happy po ang heart ko. Inspired po. Naintindihan naman po niya ang trabaho ko,” mga tipid na pahayag ni Thea.

Bukas, pagkatapos ng Eat Bulaga na magsisimula ang bagong afternoon drama ng GMA 7, ang Las Hermanas.

vuukle comment

OYOBOY SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with