^

PSN Showbiz

Derek at Ellen, sa tuktok ng bundok ikakasal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek at Ellen, sa tuktok ng bundok ikakasal
Derek at Ellen.

Sa susunod na buwan na raw ang kasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Hindi lang puwedeng ibahagi ang eksaktong date, pero excited na ang engaged couple dahil matutuloy na rin at hindi ito apektado ng mahigpit na quarantine rules na ipinapatupad ng IATF.

Tamang-tama ring naibaba na sa Alert Level 3 ang guidelines na ipinapatupad sa NCR. Pero hindi sa Metro Manila ang venue ng kasal, kundi out of town.

Gusto naman daw talaga nina Derek at Ellen na gawing destination wedding ito, kaya malayo raw talaga sa Metro Manila ang venue. Ang sabi, sa taas ng bundok daw gaganapin ang seremonya, pero meron din daw beach sa lugar na iyon.

Hindi pa raw umabot sa 50 ang imbitadong guests kasama na rito ang entourage.

Actually, halos pamilya lang daw talaga ang bahagi sa selebrasyong iyon, kaya napaka-intimate nito. Ilang close friends ni Derek ang nakausap ko at masayang-masaya sila para sa Kapuso actor dahil noon pa man ay gustung-gusto na nilang makapag-asawa ito.

Tamang-tama namang pagdating ni Ellen ay nasa tamang disposisyon na si Derek.

Ilan sa mga nakatsikahan naming imbitado sa kanilang kasal ay talagang tipid na tipid ang sagot at wala silang ibinahaging detalye.

Committed sila kina Derek at Ellen na walang isi-share na detalye tungkol sa kasal.

Yasmien, hindi pini-pressure ang sarili para magka-second baby

Ang ganda ng ngiti ni Yasmien Kurdi nang kinumusta namin ang bonggang kotseng pa-surprise sa kanya ng asawa niyang si Rey Soldevilla. Kagaya ng ilang pamilya, lalong lumalalim ang samahan nila nitong naka-quarantine pa dahil sa pandemyang hinaharap natin.

Thankful lang si Yasmien dahil alaga siya ng GMA 7, kaya magaganda ang projects na ibinigay sa kanya.

Pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa GMA 7, ibinigay sa kanya ang Las Hermanas na itinuturing niyang isa sa pinakamaganda niyang projects. Kaya inaayos naman daw niya ang kanyang trabaho.

Pero pagkatapos naman ng commitments niya sa GMA 7, sinusulit naman daw niya ang bonding sa kanyang pamilya. Kagaya nung nag-camping sila sa Camp Joni sa Rizal na kung saan kasama niya ang kanilang anak na si Ayesha.

Na-enjoy raw nila ito nang husto, dahil na-experience raw nila ang buhay probinsya. “Gusto ko naman ma-experience ‘yung probinsya life kami ng family and at the same time, ang saya niya kasi meron siyang trekking part, meron siyang hiking. Tapos gusto ko rin magluto sa palayok. Alam mo ‘yung mga sinauna ganun.

“Wala lang, ganun lang ‘yung trip namin ng family ko. Super enjoy po ang buong pamilya,” pahayag ni Yasmien sa nakaraang mediacon ng Las Hermanas na mapapanood sa afternoon prime ng GMA 7 simula sa Oct. 25.

Matagal na rin daw nilang gusto ni Rey na masundan na si Ayesha, pero hindi pa raw ito ibinibigay sa kanila ni Lord.

Ayaw lang daw nilang magpa-pressure na kailangang mabuntis na siya. Iniri-relax lang daw nilang mag-asawa para makabuo sila uli.

“Anytime, In God’s time, ready po. Gusto ko nang magka-second baby. Relax lang para makabuo,” napapangiting pahayag ni Yasmien.

Na-enjoy ng aktres ang Las Hermanas dahil nakakasundo niya ang mga kasamahan niya rito. Pagkatapos nga raw nilang mag-script reading, gumawa na raw siya ng Viber group nila nina Thea Tolentino at Faith da Silva para diretso silang nakakapagtsikahan.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with