^

PSN Showbiz

Female celebrity, tumanggap ng malaking pera sa sinalihang partido kaya kumandidato

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May ilang reliable sources na nakatsikahan namin at napapag-usapan pala sa sirkulo ng showbiz at ilang grupo sa pulitika ang biglaang pagsulpot ng isang female celebrity sa COMELEC para i-file ang kanyang Certificate of Candidacy.

Napag-usapan ito dahil may mga nag-react, at ilang miyembro raw ng pamilya ay tutol sa kanyang pagtakbo.

Pero itinuloy pa rin ni female celebrity, hindi dahil sa gusto niyang maglingkod talaga, kundi kumita.

Malakas ba ang hatak ni female celebrity? Ewan ko lang. Pero kilala siya at may malakas na hatak ang sinusuportahan niyang loveteam. Kayang-kaya niyang panalunin kung solid ang suporta sa kanya ng lahat na fans club ng loveteam na sinusuportahan niya. Puwedeng-puwede.

Pero ang sabi ng aming source, keber na raw niya kung manalo o matalo. Ang mahalaga ay malaki ang ibinigay sa kanyang budget na kahit gastusin niya ito sa pangangampanya, malaki pa rin daw ang matitira sa kanya. Hindi na bago ang ganitong kuwento.

May mga ilang personalidad na wala naman talaga sa balak pasukin ang pulitika. Pero dahil sa popularidad, willing ang ilang pulitiko na buhusan ng kadatungan para lang tumakbo at dalhin ang kanilang partido.

May ilan namang umaatras na lang dahil wala namang binibigay na budget sa pangangampanya.

Kabayan Noli, papalitan si Raffy sa tv5?!

Pagkatapos umatras ni Kabayan Noli Boy de Castro sa kanyang kandidatura sa pagka-Senador, ang tanong ng karamihan ay babalik kaya siya sa TV Patrol?

Kapapalit lang sa kanya ni Karen Davila, parang nakakahiya namang tanggalin uli si Karen para ibalik sa kanya ang puwesto.

Ang latest na pinag-uusapan, wala raw balak ang Kapamilya channel na kunin siya uli dahil bumalik nga siya sa pulitika. Ang narinig namin ay baka siya raw ang ipalit kay Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas sa TV5. Wala pa namang announcement ang TV5 kaugnay dito. Kaya aba­ngan na lang.

Samantala, nakakatuwa naman ang pagpapalit-palit ngayon ng network ng kilalang broadcasters. Bukas masusubukan naman ang bagong tambalan ng dalawang matapang, pero charming naman sina Ali Sotto na dating Kapuso at Pat-P Daza. Magsisimula na ngayong araw ang bago nilang programa sa NET25, ang Ano Sa Palagay ‘Nyo.

Charmie, suportado ng mga negosyante

All-out ang suporta ng ilang negosyante at ang kaibigan namin si Jim Miranda sa pag-file ng Certificate of Candidacy sa common friend naming si Charmie Batbatan Pavino.

Tatakbo siyang konsehal ng bayan ng Lucban kasama ang tumatakbo ring Mayor na si Tenten Villaverde.

Kasama sa partido nila si Kaka Abcede na tumatakbo namang Vice Mayor at ang iba pa nilang konsehal.

Good luck, guys.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with