^

PSN Showbiz

Julia, aminadong masarap magmove forward

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Julia, aminadong masarap magmove forward
Julia
STAR/ File

Of Julia, sakalam or malakas din ang message ni Julia sa mga brokenhearted.

Sa virtual media conference ng unang tambalan nila ni Marco Gumabao with Marco Gallo na napapanood sa TV5 every Saturday, sinabi nito na “Don’t lose hope. Lahat naman tayo pinagdaanan ‘yan. Actually, hindi lang sa pag-ibig. Maraming bagay sa buhay minsan parang, ‘ayoko na, huwag na lang. Nakakawalang gana. Nakaka-discourage.’ Pero huwag kang magpatalo,” banggit ng aktres na nagpahayag din na darating ang oras na maiintindihan din ng tao ang pinagdaanan o nakaraan.

Dagdag niya pa : “Ang sarap magmahal. Ang sarap mabuhay. Ang sarap magtagumpay. Ang sarap mag-move forward. Ang sarap magkaroon ng bagong experience ng pagmamahal na magugulat ka na lang din. ‘Ay may ganito pala. Ito pala ‘yung para sa akin. Ay buti na lang ganun pala ang nangyari,’” dagdag pa niya.

Ang kwento ng Di Na Muli ay iikot sa pagiging bukas sa pag-ibig at pagharap sa pagsisisi.

Si Julia ay gumaganap bilang Yanna, matalino at mapagmahal, ngunit simula nang malaman niyang may kakayahan siyang makita ang nalalabing panahon ng mga tao sa pamamagitan lamang ng paghawak ng kanilang kamay, pinili ni Yanna na huwag maging malapit sa mga tao. Nagpapanggap siya na isang germaphobe (a person with an extreme fear of germs and an obsession with cleanliness) para makaiwas sa paghawak sa mga tao.

Pangarap ni Yanna na makapagtayo ng isang negos­yo at suportado ito ng kanyang kaibigan at manliligaw na si CJ, na ginagampanan ni Marco Gallo. Nararamdaman ni CJ ang pag-iwas ni Yanna ngunit patuloy pa rin ang pagpapakita niya rito ng pagmamahal. Kay CJ natutunan ni Yanna na dapat pahalagahan ang mga oras na kapi­ling ang mga taong mahalaga sa kanyang buhay.

Nang makilala naman ni Yanna si Mico, isang gwapo ngunit mapangdudang lalaki, naisip ni Yanna na malabong magkasundo sila nito. Ngunit tadhana na ang naglapit sa kanila.

Gayunpaman, iniingatan pa rin ni Yanna na hindi mahawakan ang mga kamay ni Mico. Ngunit hanggang kailan niya maiiwasan ito? At paano kung matuklasan niya sa madilim na nakaraan ni Mico?

Mula sa direksyon ni Andoy Ranay, ang Di Na Muli, ay mula sa produksyon ng Cignal at Sari Sari Channel, kasama ang Viva Entertainment.

Ito ay mayroong 14 episodes.  Mapapanood sa TV5 tuwing Saturday, 8 p.m., at may catch-up airings sa Sari Sari Channel, 7 p.m. Habang umpisa sa third week ng Oktubre, nasa Vivamax na rin ang Di Na Muli.

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with