^

PSN Showbiz

Joey, hindi natitinag sa posisyon sa showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Joey, hindi natitinag sa posisyon sa showbiz
Joey

Birthday ng ka-loveteam ko na si Joey de Leon. Joke namin na loveteam kami dahil classmates kami sa Moises Salvador Elementary School noong mga bata pa kami.

Hindi mo aakalain na sa showbiz pala kami magtatagpo uli.

Naging classmate ko naman sa Mapa High School sina Nova Villa at Lito Calzado. Kaya nga talaga siguro kahit ano ang journey n’yo, kahit saan kayo mapunta, meron kang connection na matatagpuan.

Alam n’yo ba na isa sa pinakamasarap katrabaho si Joey? Magaan at very professional. Hindi mo makikitang na-high blood, at talagang very commanding ang presence.

Idol siya ng writers dahil sa sharpness ng wit at wisdom niya.

Feel na feel mo kung paano siya igalang ng mga tao na nakasama niya sa trabaho. Ang sarap makita kung gaano kataas ang naabot niya sa showbiz, ‘yung hanggang ngayon nasa top of the rank pa siya, top level ang kinalalagyan.

Proud ako na nakasama ko siya sa trabaho, naging classmate, at sana masasabi ko na friend niya ako.

To Joey de Leon my wish of good health, happiness and continued success.

Henyo ka talaga, dahil hindi lang utak ang maganda sa iyo, pati puso.

Marian ‘di pinagdamutan ang fan, Gretchen tiyak doble ang kaligayahan

Talagang gustong i-share ni Jaja ng Happy Boink ang happiness niya, sa gesture ni Marian Rivera.

Wish pala ng mother ni Jaja na magkaroon ng video greeting mula kay Marian Rivera at talagang hindi ito ipinagdamot ni Marian. Kaagad ay nag-video ito at ipinadala kay Jaja na masaya rin dahil sa natanggap na love box mula kay Gretchen Barretto para sa nanay niya.

Thank you kay Marian sa pagbibigay ligaya sa birthday ng mother ng isa niyang very devoted fan.

Speaking of Gretchen, bongga siya ha. Imagine engaged na pala ang nag-iisang anak niyang si Dominique at halos lahat naman ng nakatanggap ng love box niya na prepared by Ana Abiera ay talagang happy sa sure nilang kaligayahan ni Gretchen bilang isang ina.

Talagang ginulo ng mga love box ni Gretchen ang lahat, at naipakita ni Ana ang good taste nila sa mga inilalagay nilang laman sa loob ng box.

Ngayon nga siguro mas dodoble ang generosity ni Gretchen dahil sa happiness na napi-feel niya sa engagement ni Dominique.

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with