^

PSN Showbiz

Backhand slap ni Gina kay Claire, pinagpiyestahan sa social media!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Backhand slap ni Gina kay Claire, pinagpiyestahan sa social media!
Claire
STAR/ File

Wow, umabot na sa three million views ang impromptu backhand slap ni Gina Alajar sa young actress na si Claire Castro sa Kapuso teleserye na Nagbabagang Luha sa official Facebook page ng GMA Network.

Damang-dama ang totohanang sampal ng mahusay na actress / director sa mukha ni Claire at kitang-kita ang pagka-shock nito nang lumanding sa kanyang mukha ang malutong na sampal. “Actually, lahat po kami nagulat e kasi ang alam po namin na gagawin ni Direk (Gina) is haharap pa po then sasampal. Lahat kami, kahit nakita n’yo po ‘yung reaksyon ni Ate (Glaiza de Castro), napatakip ng bibig po talaga siya,” chika ni Claire sa panayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute segment ng 24 Oras noong Lunes, Oct. 11.

Actually, ipinost pa ni Glaiza sa Instagram kung paano silang nagulat.

Pero nagpaliwanag naman si Ms. Gina : “Sabi ko kay Direk Ricky (Davao), sinuggest ko na imbes na pagharap ko, sampalin ko siya rito, since nasa (kanan na ‘yung kamay ko), i-backhand ko na siya. Kasi alam ko meron nakapagsabi sa akin no’n kapag sinampal ka ng patalikod, it’s very humiliating,” aniya.

Pero sobra naman ang ginawa niyang pagso-sorry sa young actress na anak ng dating actor din na si Diego Castro sa ‘di sinadyang malutong at malakas niyang backhand slap na siguradong masakit dahil mas mabigat ang backhand. “After the sampal, I really hugged her so tight and said ‘I’m sorry, I’m sorry, I’m sorry’ that ganun kasi talagang napakalakas ‘yung sampal ko tapos sabi nya ‘It’s okay po, I can take it.’ Napakabait naman ng batang ‘yun,” sabi pa ng batikang actress.

Well, hindi na bago ang ganung pangyayari kay Claire dahil iningudngod din siya sa cake at binuhusan ng tubig sa nasabing teleserye kaya naman super dusa talaga ang young actres na aminadong nakatulong ang mga personal niyang pinagdaraanan sa kasalukuyan para mas mabilis siyang bumigay sa mga eksena niya sa harap ng kamera. “Siguro halos 40 minutes akong naligo after no’n kasi po ‘yung hair ko ayaw po matanggal ng icing. Saka sa ears ko po ang dami pero ang saya po ng scene na ‘yun for me kasi lahat po siguro ng pinagdadaanan sa personal life ko, nilabas ko po do’n by crying.”

Aside from Glaiza, Gina and Claire, napapanood din sa Nagbabagang Luha si Rayver Cruz, Mike Tan, Alan Paule, Archi Adamos, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, at Karenina Haniel. Mula ito sa direksyon ni Ricky Davao, ang Nagbabagang Luha ay mula sa nobela ni Elena Patron na naging pelikula noong 1988 ng Regal Films.

Mapapanood ang huling linggo ng GMA Afternoon Prime series na mas matindi raw ang mga eksena next week, mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA 7.

KC, naayos na ang papeles sa Immigration! ‘Di na illegal ang pagtira sa ‘Pinas...

Ayos na ang mga papeles ni KC Montero sa Bureau of Immigration.

Hindi na siya isang illegal alien sa bansa. “Okay na. Ayos na, ayos na! Legal na legal ako. Hahaha. OK na!” tumatawang sagot ni KC nang tanungin namin tungkol sa naging problema niya sa mga papeles kaya nag-agree sila ng management ng Lunch Out Loud na magbabakasyon muna siya para ayusin ang mga dokumento at hindi sumabit sa kanyang trabaho.

“Three months yata akong nawala. Tapos, nagka-COVID ako. March, February pa,” banggit niya pa nang chikahin ng ilang entertainment writer sa taping ng LOL para sa first anniversary ng noontime show ng Brightlight Productions para sa TV5.

Paano nga naayos ang problema niya sa Bureau of Immigration? “May work visa ako dati pero, nag-expire ‘yung work visa ko. So, kailangan akong mag-fix.  So, it took two, three months lang, and then, Okay na. May work visa na ako. Everything is fine! Everything is good! I’m happy to be on work again. No problems anymore,” aniya na nag-uumpisa nang maglakad ang anak na eight months sa misis na si Stephanie Dods.

At ang first assignment niya pagkatapos maging legal ang working visa, ang pagho-host ng coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 noong Setyembre 30 sa Panglao, Bohol kung saan nakatikim siya ng ba­shing dahil  boring daw siyang mag-host. “Okay lang ako. More Milo, more energy! Mag-snort ako ng Red Bull para may energy!,” cool niyang sagot

Ito ang ika-second year ni KC ng pagho-host ng Miss Universe Philippines.

Samantala, isa siya sa original hosts ng LOL.

vuukle comment

GINA ALAJAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with