^

PSN Showbiz

Cong. Lito, sabik makipag-chikahan Pandi, laging kasama sa bucket list tuwing summer

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Cong. Lito, sabik makipag-chikahan  Pandi, laging kasama sa bucket list tuwing summer
Lito
STAR. File

Dahil nga nasubukan na ang face to face intimate presscon, naisip namin ni Gorgy (Rula) na mag-face to face na rin para sa meet the press ni Cong. Mayor Lito Atienza.

Sabi nga ni Eric Cham talaga raw sabik na sabik ng makipag-chikahan si Cong. Mayor Lito Atienza na binigla ang lahat nang pumasok sa VP race.

Bongga na bigla na lang, heto deklarado nang tatakbo sa VP si Cong. Mayor Lito na baka nga hindi matulungan ni Kim Atienza sa kampanya dahil bawal siya na makihalo sa pulitika.

Kung experience naman, bongga ang record ni Cong. Mayor Lito. Sa tagal niya sa pulitika alam na niya lahat ng problema at kung ano ang magandang gawin para malutas ito.

May dahilan naman siguro si Manny Pacquiao kung bakit siya ang pinili na ka-tandem.

Alam natin na siksikan ang labanan sa VP, maraming pagpipilian, pero kahit saang anggulo tingnan, meron pa ring laban ang isang Lito Atienza. May the best one win, at sana talagang ang mapili ay ang karapat-dapat.

 

Alam mo ba, Salve, na gusto na talaga ni Gorgy na tumira sa Pandi, Bulacan? Dahil nga sa naririnig niyang mga ginagawa ni Mayor Enrico Roque talagang balak na niyang mag-migrate sa Pandi.

Kung iisipin mo naman talaga, ang lapit lang ng Pandi sa Metro Manila. At sa ganda ng mga ginawang highway ni Sec. Mark Villar lalo pang napadali ang biyahe.

‘Yung Amanah Park na laging dinadayo sa Pandi talagang nasa listahan na ng bucket list ng mga pamilya lalo na ‘pag summer. Medyo apektado ng pandemic pero palagay ko malapit na ring magbukas dahil unti-unti nang naayos ang sitwasyon.

Saka sa laki ng Amanah, tiyak na safe ang social distancing.

Ang sarap pa ng mga pagkain at mura ang mga prutas at gulay kaya naman dinarayo ang Pandi. Mayor Enrico Roque, kahit last term mo na as Mayor, please huwag n’yo iiwan ang Pandi. Lagi mong alagaan at proteksiyunan.

vuukle comment

LITO ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with