^

PSN Showbiz

'Bastos, mananagot ka': PNP kinastigo Jake Cuenca sa pag-hit-and-run ng police vehicle

James Relativo - Philstar.com
'Bastos, mananagot ka': PNP kinastigo Jake Cuenca sa pag-hit-and-run ng police vehicle
Litrato nina PNP chief Police Gen. Guillermo Eleazar (upper left), aktor na si Jake Cuenca (lower left) at ang kanyang sasakyan na nakabangga sa sasakyan ng pulis
Video grab mula sa Philippine National Police; Mula sa Instagram ni Jake Cuenca; The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Panggagalaiti ang ipinutok ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) matapos makabanggaan ng artistang si Jake Cuenca ang mga kapulisan, lahat ng ito habang humihingi ng tawad sa sibilyang nadamay habang ikinakasa ang habulan sa pagitan ng otoridad at aktor.

Sabado ng gabi nang arestuhin ng PNP si Cuenca, 33-anyos, matapos salpukin at takbuhan ng kanyang SUV ang sasakyan ng pulisiyang ginagamit sa isang anti-illegal drug operation sa Mandaluyong City.

"Being an actor and a public figure, he must set a good example for people who idolize him by owning up to his mistake and facing its consequences," wika ni PNP chief Police Gen. Guillermo Eleazar, Lunes.

Ayon sa mga inisyal na ulat, paalis na sana sa Barangay Barangka ang mga kawani ng Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong police kung saan nagsasagawa sila ng operasyon kontra-droga nang bigla na lang banggain ng kotseng minamaneho ni Jake ang kanilang sasakyan. Tumama rin ang sasakyan sa isang barrier.

Imbis na lumabas ng kotse ang aktor, pinaarangkada raw niya ang kanyang sasakyan na nagresulta sa hot pursuit. Napilitan tuloy magpaputok ng baril ang mga operatiba sa pag-asang mapahihinto ang sasakyan.

"Sa iyong ginawa, titiyakin ko na mananagot ka sa pambabastos mo hindi lang sa mga pulis kundi sa batas, at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili," dagdag ni Eleazar.

Sinampahan ng reklamong reckless imprudence resulting in damage to property si Cuenca dahil sa pangyayari. Pinatingin muna sa mga manggagamot si Cuenca bago dalhin sa presinto.

Ilang pulis nasa 'restrictive custody'

Humingi naman ng tawad si Eleazar sa delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala ng PNP habang nangyayari ang car chase, bagay na ipinatatama sana sa gulong ni Cuenca sa pag-asang mapahihinto ito.

Nangako naman ng "disciplinary actions" at "corrective measures" ang hepe ng PNP kasunod ng putukan.

"First, I would like to apologize to the Grab driver who was hit by a stray bullet in this incident. I would like to assure you and your family that we will take care of all the medical expenses of your hospitalization and we shall also extend financial assistance that will also cover the period of your recovery," sambit pa ni Eleazar.

"Second, I have already instructed the District Director of EPD, Police Brig. Gen. Matthew Bacay, to place all the personnel involved under restrictive custody while the investigation is being conducted."

Bukas naman daw na tatanggapin ng PNP ang desisyon ng Grab rider kung plano niyang magsampa ng kaso matapos mabaril.

Kasalukuyan namang nasa ospital ang Grab driver at nagpapagaling pa sa ngayon: "Now, I understand the negative sentiments of our kababayan on this issue but let us not forget why this incident happened in the first place: May isang motorista na imbes na humingi ng paumanhin at panagutan ang kanyang pagkakamali ay gumawa ng eksenang pang-teleserye at pampelikula," saad pa niya. — may mga ulat mula kay Franco Luna

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

JAKE CUENCA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with