^

PSN Showbiz

Nanay nila Toni at Alex, nagalit nang lumabas na nakunan ang anak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Nanay nila Toni at Alex, nagalit nang lumabas na nakunan ang anak
Mikee at Alex
STAR/ File

Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang followers niya at gustong malaman ang totoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin.

Para bang ginawang business pati malungkot na balita. Siyempre para sa sinumang babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa.

Hindi rin naman siguro totoo na nagagalit ang mother Pinty nila Alex at Toni na lumabas ang tungkol dito dahil gusto nga raw nila na maging exclusive sa vlog nila.

Very petty ‘di ba? Dahil lang sa vlog pati ganitong balita itatago?

Eh married naman si Alex, at paano itatago iyon medical record?

Basta for us, get well soon Alex, at be strong.

 ‘Welcome back to showbiz, ate Vi’

At least, showbiz na muna ang haharapin ni Vilma Santos. Siguro nga napagod sa politics kaya naisip ni ate Vi na pahinga muna kaya pelikula at TV muna ang harapin niyang trabaho.

Nage-enjoy pa siya sa vlogging na itinuro sa kanya ni Luis Manzano, at siguro nga na-miss niya ang trabaho sa pelikula.

Ang daming mga magagandang projects na pinakawalan niya dahil nga ayaw naman niyang mahati ang oras niya sa showbiz at sa katungkulan niya bilang mayor, governor at congresswoman.

Maganda ang naging serbisyo ni Vilma bilang public servant kaya tiyak na mami-miss siya ng Batangas na siya niya talagang pinagtuunan ng buong oras niya bilang mayor, governor, hanggang Congress.

Now, buo na ang oras niya para sa showbiz, tiyak na ang artistic juice na umaapaw sa kanya bigay todo ngayon sa mga magiging projects niya.

Welcome back Star of All Season, Ms. Vilma Santos.

vuukle comment

ALEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with