^

PSN Showbiz

Kabayan Noli, nasaktan nang magpaalam na sa tv patrol

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kabayan Noli, nasaktan nang magpaalam na sa tv patrol
Noli

Nakatakdang tumakbo si Noli de Castro bilang Senador sa darating na halalan. Tuluyan nang nagpaalam ang beteranong brodkaster sa mga manonood ng TV Patrol upang muling sumabak sa pulitika. “Kabayan, mga Kapamilya, ito na po ang huling gabi ko sa TV Patrol. Matapos po ang malalim na pagsusuri at mataimtim na pagdarasal, ako po ay nagdesisyong tumakbo bilang Senador sa halalan sa susunod na taon. At daan po sa hakbang na ito, kinakailangang iwan ko ang TV Patrol at ABS-CBN para ipagpatuloy po ang serbisyo publiko sa iba namang larangan.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala sa maraming taon na tayo’y nagkasama sa bawat balita na inihahatid ko sa inyo. Mula sa mga malagim na trahedya hanggang sa masasa­yang kwento ng tagumpay. Ginawa ko po sa abot ng aking makakaya. Ayon po sa aming obligasyon na maghatid ng mga katotohanan. Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala sa TV Patrol gabi-gabi.

“Masakit man na magpaalam sa programa na minahal ko at naging buhay ko, at sa mahabang samahan sa mga Kapamilya sa ABS-CBN, ako’y humaharap sa mga hamon sa panibagong yugto ng aking buhay. Ngayon pa lamang po ay nagpapasalamat na ako sa inyong suporta at pagtitiwala sa akin. Salamat sa bumubuo ng ABS-CBN management, ang mga kasama nating reporter, mga crew, producer, staff at maging sa mga janitor at sa buong pwersa po ng News and Current Affairs. Pero sabi nga po nila, kung may nagwawakas ay mayroon ding nagsisimula. Kaya naman abangan po ninyo ang bagong simula ng TV Patrol na iniiwan ko sa mga susunod na henerasyon ng mga mamamahayag at tagapagbalita ng ABS-CBN. Muli Kabayan, maraming-maraming salamat at sa huling pagkakataon po, iiwan namin sa inyo ang salamat po at magandang gabi, bayan!”

Carlo, tutok sa anak kahit nasa trabaho

Bilang isang ama at nobyo ay ginagawa ni Carlo Aquino ang lahat para sa kanyang mag-ina. Matatandaang Sept. 18, 2019 nang ipanganak ng kasintahang si Trina Candaza ang kanilang sup­ling na si Enola Mithi. Nakahandang gawin ng aktor ang lahat upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. “Ngayon lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila. Although siyempre may mga gusto pa rin ako, pero siyempre future na. Naka-focus na kami ni Trina sa pagpapalaki sa kanya (Enola). At saka ‘yung pagpapagawa ng dream house namin, hopefully next year or mga two years, kung makakaipon,” pagbabahagi ni Carlo.

Ayon sa aktor ay sobrang kaligayahan ang naidudulot ng kanilang anak. Kahit nasa trabaho si Carlo ay madalas pa ring nakikita si Enola. “Buti na lang si Mommy Trina mahilig mag-send ng videos. ‘Yung pagapang-gapang, ‘yung first steps niya, pinadala na lang sa akin ni Trina. Pero ngayon parang mas enjoy na, may interaction na. Kasi ‘yung ganitong age nagpapa-cute na siya, nagpapansin. Kapag binawalan mo sumasama na ang loob. Kapag may gustong kunin sa iyo, may facial expression,” paglalahad niya.

Sa ngayon ay hindi pa raw masabi ni Carlo kung mahihiligan din ng anak ang pag-aartista. “Hindi ko alam, pero kapag nakikita niya ang sarili niya sa camera, titingnan niyang maigi,” nakangiting kwento ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

NOLI DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with