^

PSN Showbiz

Pang. Duterte, mahilig sa mind games

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Talagang big joker si Papa Digong. Imagine mo na sinamahan pa sa filing ng candidacy si Sen. Bong Go for VP at nag-announce na retire na siya sa politics. Kaloka ‘di ba? Para bang ‘pag may sinabi siya, dapat wait ka muna baka mamaya eklay lang, joke lang.

Nung una cute dahil parang hindi mo mabasa ang gusto niyang mind game, pero lately parang ano ba iyan, bakit hindi seryoso sa dapat seryosong bagay. Ewan ko kung maganda para kay Sen. Bong Go ‘yung para bang lahat ng kilos niya under the command ni Papa Digong. Dapat ding tingnan kung plus or minus factor ang pagiging sobrang lapit niya rito.

Saka doon sa latest survey, mas mataas ang bilang ni Tito Sotto kay Papa Digong kaya mabuti na rin na umatras na siya sa pagtakbong VP.

Mukhang mas mahigpit pa ngayon ang labanan, habang papalapit na ang eleksyon. Kaya wait tayo sa marami pang comedy na lalabas.

Gawin na lang nating katatawanan ang lahat, dahil seryoso ang sitwasyon, masyado nang mabigat. Mabuti na lang maraming joker na nagkalat. Bongga!!

Lol, magpapa- raffle ng kotse!

Makaka-one year na pala ang Lunch Out Loud, Salve. At sa kanilang anniversary meron silang pa-raffle na kotse. Bongga rin ang Brightlight at nagawang umabot ang LOL at ‘yung show ni Korina Sanchez ha. Kaya naman smile ng ear to ear si Pat-P Daza dahil happy ang Boss Albee (Benitez) niya na parang lilipad na Darna ang feeling dahil nga lumalakas ang dalawang natira niyang shows sa TV5.

Lalo pa nga ngayon na mukhang nakatulong sa TV5 ang magagan­dang programming na pumasok kaya naman pumapasok na rin ang commercials.

Dahil nga inspired si Papa Albee baka kaya magaan na ngayon ang pag-aayos sa kanyang production outfit. Baka mapanood na rin ang Kid Alpha ng anak niyang si Javi at ang isa pang pelikula na natapos nila.

Sayang ang Kid Alpha, imagine mo merong Christopher de Leon at Tonton Gutierrez as support sa movie ni Javi Benitez, ang ganda sanang mapanood ito bago siya maging mayor.

Pero siyempre, diskarte iyon ni Papa Albee kaya siya lang ang dapat hintayin.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with