^

PSN Showbiz

‘Salpukan nina Lito at Tito, nakakagulo ng utak!’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hay naku ang laki ng problema ko. Dapat talaga si Tito Sotto na ang iboboto ko as VP, pero now na pumasok din sa VP race si Lito Atienza, nalito ako. Pareho kasing malapit sa puso ko ang dalawa, eh ‘di ba ever since emotional voter ako. Talagang para sa akin, ‘yung kilala ko at like ko ang ibinoboto ko. Wala akong paki sa platform o sa promises, kasi lahat naman ng kandidato pare-pareho ang sinasabi. Hindi naman siguro kasalanan na ang boto ko ibigay ko sa malapit sa puso ko.

Basta, ever since iyon ang takbo ng utak ko ‘pag eleksiyon. One time nga, halos lahat ng binoto ko talo, talagang one month akong depressed, akala mo ako ang natalo. Ganun ang emotional attachment ko sa mga kandidato na ibinoto ko. Feeling ko, ako ang winner o loser.

Now parehong love ko sina Lito Atienza at Tito Sotto, paano na iyan? Mahahati ang puso ko, hindi naman puwedeng pareho ko silang iboto. Toss coin, he loves me, loves me not, ano ang gagawin ko? Help n’yo ako, tatawagan ko si Eric Cham, papatulong ako sa pagpili, huh huh, bakit kasi pareho silang VP, nagulo tuloy ako.

Pero in fairness ha, parehong karapat-dapat sila base sa experience nila at ipinakitang trabaho. Kaya kahit sino ang manalo sa kanila, ok, dahil sure na work sila. Lito o Tito Atienza or Sotto?

Kuya Kim, may bagong pagsubok sa career

Ewan ko kung bakit parang big deal masyado ang paglipat ni Kim Atienza.

Iyan namang trabaho natin parang bahay, kung saan ka mas comfortable doon ka. Basta tuwing gagawa ka ng desisyon, parang walang personalan, trabaho lang. Hindi kailangang maging issue dahil talaga namang puwedeng mangyari kahit kanino.

Hindi naman siguro masama na maghanap ka o tanggapin ang magandang alok ‘pag binigay sa iyo. Hindi dapat emotional dahil halos lahat naman ng trabaho, temporary lang. Mas mahirap nga sa lumilipat dahil bago na namang pakikisama sa mga bagong tao ang gagawin mo. Kahit siguro sino, mas gusto ‘yung dati at palagay na ang loob nila, pero nakaka-challenge rin ‘yung pagharap sa pagbabago sa buhay mo.

Like si Kim Atienza. For so long, TV Patrol siya, now kung ilagay siya sa 24 Oras, tiyak maninibago pa rin siya, pero siguro iyon ang challenge sa kanya. Ang bagong paligid, mga bagong tao at kasama. Mahal niya ang iniwan niya, pero kailangang harapin niya ang mga bagong pagsubok sa career niya.

Welcome, Kim, sa bago mong bahay, ang GMA 7. Bagong bahay, bagong buhay, bagong Kim Atienza. Lahat bago, bongga!

vuukle comment

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with