^

PSN Showbiz

Bagong collection ni Marian, nakapila na ang reservation!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bagong collection ni Marian, nakapila na ang reservation!
Marian

Kinontra ni Korina nang ayaw patawag na Primetime Queen...

Grabe, teaser pa lang ang lumalabas sa new collection ni Marian Rivera for Flora Vida by Marian, ang dami na agad reservation.

Sunud-sunod kasi ang post niya ng “Preview of our upcoming first collection.”

Last May pa niya inilabas ang home collection na mabilis na-sold out.

Yup, wala mang teleserye ang GMA Primetime Queen, busy naman siya sa kanyang negosyo ngayong pandemic though nagti-taping naman siya para sa Tadhana na hino-host niya.

Hmm, ano kaya ang mga new collection ni Marian.

Speaking of Primetime Queen, pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang reaction niya nang ini-introduce siya ni Korina Sanchez na ‘Primetime Queen’ sa anniversary ng Beautederm weeks ago.

Sumagot kasi si Marian ng “Ms. Korina, Marian na lang! Wala na ‘yung Queen chuchu! Queen ng bahay namin!”

Pero payo ni Ms. Koring, tanggapin niya ang nasabing title dahil GMA 7 ang nagbigay nito sa kanya. “‘Yang titulo na ‘yan, ‘di mo naman ‘yan binigay sa sarili mo, binigay talaga ‘yan ng network sa ‘yo kaya angkinin mo at samsamin mo yan.”

May point naman si Ate Koring.

Siya naman talaga ang reyna kahit sinasabing sa pagpasok ni Bea Alonzo ay baka magkaroon siya ng kahati.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with