Lovi, kakantahin ang candy sa ASAP
Sabak agad sa pagiging singer ang new Kapamilya star and precious jewel na si Lovi Poe.
Sa Linggo ay mapapanood ang second appearance niya sa ASAP Natin ‘To kung saan kakantahin niya ang Candy.
Ang Candy ay tungkol sa beauty and confidence at makikita rito ang husay at pagiging sensual ng actress.
Sinulat ito ni Amanda Lustbader, produced by Grammy Award winner Omen and Kris KeyZ, and released by VIM Entertainment.
Samantala, naghahanda na si Lovi para sa shooting ng kanyang appearance sa international movie na The Chelsea Cowboy kung saan gagampanan nga niya ang role ng legendary blues singer na si Dana Gillespie.
Bukod dito ay pinaghahandaan din niya ang gagawin nilang Philippine adaptation ng Korean hit series na Flower of Evil with Piolo Pascual.
Anyway, available na ang Candy sa Apple iTunes and Spotify.
- Latest