^

PSN Showbiz

Babaeng personalidad, kalahating milyon ang laging laman ng bag!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Tumaas pala talaga nang todo ang lipad ng saranggola ng isang kilalang female celebrity dahil sa biglang pagbago ng antas ng kanilang kabuhayan showcase.

Nataranta ang babae, hindi makapaniwala sa sobra-sobrang biyaya na dumarating sa kanila, mismong mga taong nakapaligid sa kanilang pamilya ang nagkukuwento kung paano.

Sabi ng isang source, “Branded na, e, kailangan pang malaki ang bag ng female celebrity kahit saan siya magpunta. Malaki dapat, dahil inaapuntahan pala siya ng insecurity kapag iilang bundle na lang ang datung sa bag niya!

“Nakakaloka! Sa isang panahon na pinapangarap lang ng mga kababayan natin ang isang bundle ng kadatungan, siya naman pala, e, hindi na mapakali kapag dalawang bundle na datung na lang ang nasa bag niya!” unang bitin na biting kuwento ng aming impormante.

Hindi niya na talaga malaman kung paano ang gagawin niya sa kanilang bilyones, sobrang nagulantang ang girl sa kanilang mga biyaya, kaya sinunod niya ang lahat ng kanyang mga kapritso.

Dagdag na kuwento pa ng aming source, “Di ba, ang tunay na mayayaman, e, pa-card-card na lang? Hindi sila nagdadala ng cash dahil delikado. Card lang nila ang nagsasalita sa anumang gustuhin nila.

“Pero ang girl na ito, e, kailangang nakikita nang literal ang datung niya! ‘Yun ang dahilan kung bakit kahit saan siya magpunta, e, pinakamaliit nang dala-dala niya ang limang bundles ng kadatungan!

“Kalahating milyon ang limang bundles, may kabigatan, pero walang pakialam ang girl kahit pa magkandakuba siya sa pagbitbit ng bag niya!

“At hindi lang ganu’n. Sa kanilang mansiyon, e, nakalagay lang sa isang sulok ang bundle-bundle nilang biyaya! Nakaantabay lang ‘yun sa kanilang mga pagkakagastusan.

“Halos himatayin nga ang isang family friend nila nu’ng makita ang magkakapatong na bundle ng salapi, grabe ang paglaki ng kanyang mga mata, parang bank daw kasi ang kuwarto ng mag-asawa dahil sa dami ng kanilang kadatungan!

“Maiintindihan naman kung bakit siya nagkakaganyan, galing siya sa hirap, kahit ang dyowa niya, e, galing din sa matinding kahirapan!

“Pero ngayon siguro, e, papreno na nang bahagya ang girl, ipamamahagi na nila ang bundle-bundle na kadatungang ‘yun para sa mataas na ambisyon ng mister niya!

“Hindi na bag lang ang paglalagyan niya, saku-sako nang bundle ng salapi ang kailangan nilang ipamigay!” pagtatapos ng manghang-mangha naming impormante.

Ubos!

mga hospital, punuan pa rin ng mga tinatamaan ng covid

Matagal na naming naririnig ang mga kuwento tungkol sa kakapusan ng kuwarto ng mga ospital ngayong pandemya. Pero mas naniniwala na kami ngayon dahil neengkuwentro rin namin ang ganu’ng karanasan nang magpositibo sa COVID-19 ang aming kapatid at hipag.

Sa dinami-dami ng mga anak-anakan naming doktor ay wala rin kaming makuhang kuwarto, punuan ang lahat ng mga ospital, kumakabog ang aming dibdib dahil inaapoy ng lagnat ang aming kapatid at ilang araw nang hindi nakakakain.

Maraming salamat kay Dr. Enrico Sta. Ana, anak-anakan naming doktor ng Marikina Valley Medical Center at iba pang mga ospital, habang naghihintay kami ng kuwarto (number 81 pa ang aming kapatid dahil sa haba ng pilahan) ay niresetahan muna nito ng mga gamot si Dikong Nildo.

Maganda ang sitwasyon ng aming hipag, asymptomatic ito, walang masyadong sakit na nararamdaman kahit pa positive ang resulta ng kanyang swab test.

Sa ikatlong araw ay meron nang kuwarto, nakahinga kami nang maluwag, mababantayan na ang kalagayan ng aming kapatid. Buti na lang at hindi siya nahihirapang huminga, pero nakabantay na ang oxygen anumang oras, nagsiguro na kami agad.

Haaaay! Nakakalungkot ang hatid ng pandemyang ito. Kumakabog na ang dibdib mo ay hindi ka pa binibigyan ng pagkakataong makalapit sa maysakit mong mahal sa buhay, matindi ang hawahan, pagsusukluban ka na ng langit at lupa kapag ganu’n ang nangyari.

Sa ganu’ng sitwasyon ay wala na tayong malalapitan kundi ang awa ng Diyos. Kapag nagawa na natin ang lahat, kapag ginawa na rin ng mga doktor ang kanilang kapasidad, ay may isa pang tunay na doktor na kasama natin sa laban.

Sabi sa isang nabasa namin, “The giant infront of you is never bigger than the God inside of you.” Totoong-totoo.

Nagdarasal tayo para sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay, pero ang ating panalangin ay hiling lang, ang Diyos pa rin ang mayhawak ng pinal na desisyon. Ang Kanyang kalooban ang masusunod.

May isa pa kaming nabasang parang suwerong nagbibigay sa amin ng lakas, ang sabi, “Ang dagat ay dagat pa rin kahit walang isda. Ang lupa ay mananatiling lupa kahit walang mga puno. Ang mundo ay mundo kahit walang mga tao.

“Pero ang taong walang Diyos sa kanyang puso ay walang saysay.”

Amen.                                                                                                                                                        

 

vuukle comment

MONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with