^

PSN Showbiz

Anjo at Jomari plantsado na ang plano sa 2022, Abby tapos na sa lolong

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Anjo at Jomari plantsado na ang plano sa 2022, Abby tapos na sa lolong
Abby at Jomari
STAR/ File

Speaking of pulitika, tuloy na ang pagkandidato ni Anjo Yllana sa pagka-congressman sa District 4 ng Bicol.

Matagal-tagal na ring pabalik-balik sa Bicol si Anjo kasama ang kapatid na si Jomari at karelasyong si Abby Viduya.

Si Jomari naman ay sa Parañaque kakandidato, last term na niya as councilor.

Tahimik na ang relasyon nina Jomari and Abby na tapos na sa lock-in taping ng GMA teleserye na Lolong. Pero wala pa siyang idea kung kailan ito eere.

Kamakailan lang ay ipinagtanggol ni Abby ang karelasyong actor-politician laban sa ex nitong si Joy Reyes nang minsang dumalaw ang actress sa digital program na Take It... Per Minute, Me Ganun!?

Consistent si Abby na ayaw niyang makialam sa past ng actor na kaka-birthday lang. “Pinalaki ako ng magulang ko na, ‘If you have nothing nice to say about someone, don’t say anything at all.”

Samantala, umaasa si Abby na makakasama rin niya ang kanyang tatlong anak na nasa poder ng ex-partner niyang based sa Canada.

Regular daw ang communication niya sa mga bata at hoping siya madadalaw niya ang mga ito.

Banggit niya pa, iba ang batas sa Canada kaya hindi niya madaling isama ang mga ito. “But, you know, given time, siguro mapuputa rin sa akin ang mga anak ko,” na wini-wish at ipinagdarasal daw niya.                                

vuukle comment

ANJO YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with