^

PSN Showbiz

Relasyon ng Kathniel, sa Hello, Love… tumibay!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Relasyon ng Kathniel, sa Hello, Love� tumibay!
Kathniel
STAR/ File

Hindi pa rin talaga natitinag ang KathNiel fans. Solid ang suporta nila kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nag-celebrate ng 10th anniversary ng kanilang loveteam kamakalawa lang.

Nag-produce sila ng isang documentary na pinamagatang KathNiel Isang Dekada at  ipinalabas sa YouTube Channel ni Kathryn na Everyday Kath.

Doon ay binalikan nila ang kanilang nakaraan at inilahad kung saan nagsimula ang kanilang pagmamahalan na tumagal din hanggang ngayon. Nagbigay din ng pahayag ang mga taong naging involved sa kanilang loveteam at relasyon. Ganundin ang ilang fans na hanggang ngayon ay todo pa rin ang suporta sa kanila.

Medyo emotional si Kathryn nang ibinahagi niya ang malaking pagbabago sa kanilang relasyon nang ginawa niya ang pelikulang Hello, Love, Goodbye katambal si Alden Richards.

Inamin ni Kathryn na malaki ang nagawa ni Daniel kaya nabuo ang Hello, Love, Goodbye at dahil doon ay lalong naging solid ang relasyon nilang dalawa.

Dahil sa suporta ni Daniel, nagawa niya ito, dahil talagang struggle raw lalo na’t iba ang katambal niya.

Nakikita rin daw niyang nahirapan din nang husto si Daniel.“Sobrang nahirapan nun si DJ alam ko. Kapag nakikita ko siya, alam ko nahirapan s’ya, alam kong sobrang lungkot niya. Pero hindi siya naging selfish. He allowed me to grow on my own, because he knew that I needed that.”

Hindi naman daw puwedeng ipagkait ito ni Daniel sa kanya, dahil bahagi rin daw ito ng pag-grow ng kanilang relasyon. “Dahil sa mga ganung bagay hindi mo napapansin, naggu-grow na rin kayo,” pakli ni Daniel.

“Nung hinatid ko siya sa airport, mawawala siya isang buwan ‘yun ‘yung moment na nakita mo nag-grow kayo eh. I’m giving her this chance. Hindi puwedeng selfish tayo eh,” sabi pa niya.

Sabi pa ni Kathryn; “Nakaya ko siya because of DJ. ‘Yung buong journey na ‘yun. Never niya pina-feel sa akin na mag-isa ako. Nagmi-message siya sa akin. He sent me photos, tapos pinuntahan pa niya ako. Kailangan ko ‘yun kasi hirap na hirap na ako sa movie. Hirap na hirap ka emotionally kasi ayaw mong gawin ‘yung isang bagay na hindi mo kasama ang isang taong nakasanayan mo.”

Medyo garalgal na ang boses ni Kathryn habang sinasabi niya ito; “So, parang siyempre gusto mo mag-work, pero ayokong magawa ‘yun na wala… ‘yung success na wala si DJ. Ayokong matalo ang Hows of Us. Ayoko na alam mo ‘yun, kasi ayoko ma-feel na iniwan ko siya. Ayoko ma-feel na iniwan ko siya, ayoko talaga. Nakita ko ‘yung struggle na ‘yun kay DJ pero sobra niya akong sinuportahan. Kaya, after that mas naging buo kami ni DJ kasi siguro kinailangan ko rin yun para sa sarili ko kasi ang dami kong questions nun sa sarili ko. Ang dami kong kailangang i-prove sa mga tao during that time. ’Yun after that, grabe naging solid kami nun up until now.

“So, Im grateful na dumating ang Hello, Love, Goodbye sa amin because it changed us of how we are as boyfriend girlfriend.”

Rocco, pinag-aralan ang role

Ipinangako ng mga bumuo ng bagong drama series ng GMA 7 na To Have and To Hold na kakaibang drama itong mapapanood simula ngayong gabi pagkatapos ng Legal Wives.

Sabi ni direk Don Michael Perez, hindi ito ‘yung tipong pinapanood mo lang ang mga pangunahing karakter na tumatalakay sa isyung infidelity sa mga mag-aasawa, kundi parang involved din ang mga manonood at tiyak na marami raw ang makaka-relate.

Hindi nakaka-relate si Rocco Nacino sa karakter niya rito bilang si Gavin Ramirez. Masaya ang married life ng Kapuso actor na parang nasa honeymoon stage pa rin sila ni Melissa Gohing.

Pero kailangan niyang pag-aralan, kaya nag-research siya sa mga matagal nang mag-asawa. Ani Rocco; “Nagtatanong ako kung ano ‘yung mga ayaw mo, may mga nadi-discover ka ba na bago at ayaw at gusto mo. Sawa ka na ba? As in medyo diretso na ‘yung mga tanong ko para makapulot ng isa o dalawang traits para mabuo tong character na to.”

vuukle comment

KATHNIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with