^

PSN Showbiz

Pauleen, adik na rin sa K-drama!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pauleen, adik na rin sa K-drama!
Vic at Pauleen
STAR/ File

Mukhang sobrang late na ni Pauleen Luna Sotto na maging Korean drama addict. Grabe ang puri niya sa Goblin eh ang dami pang mas magandang serye kesa dun.

Kasi nga, noon pa siya curious kung bakit naloloka ako sa mga Oppa at babad ako sa korea novela.

Mas naloka siya nang malamang hindi ko pina-follow ang mga IG ng alaga ko dahil mga Korean stars ang sinusundan ko.

Type na type niya si Gong Yoo na favorite rin ni Sharon Cuneta.

Naku, ‘pag nakita at napanuod pa niya ang ibang K-drama lalo pa siyang maa-addict. Eh madalas pa naman kalaro ni Vic Sotto sa golf, mga Korean kaya tiyak na magi­ging favorite destination na rin ni Pauleen ang Korea.

Bongga, baka maging Korean star si Tali in the future. Hah hah, sure ako maloloka sila Vic at Pauleen pag naging fan ng K-pop si Tali at sinusundan-sundan ang mga concert ng mga ito.

Papa Duterte, hindi consistent

Parang naguluhan ako sa balita na tatakbo sa VP race si Papa Digong.

Hindi ba madalas niyang sabihin na pagod na siya, gusto na niyang iwanan ang puwesto niya, ayaw na niya. Bakit tatakbo pa rin VP?

Madalas ipanakot ni Papa Digong iyon pag-alis niya sa puwesto everytime may issue o kaya tuwing meron lumalabas na intriga tungkol sa gobyerno o sa kanya. So parang hindi ko maintindihan bakit biglang tatakbo siyang VP?

Hindi ba stressful na position din iyon, hindi ba complete attention din ibibigay mo bilang VP? Nakakapagod din, kaya why run?

May mga bagay talaga na hindi ko mawari sa pulitika, iyon bang tulad ngayon na halos durugin na si Sen. Richard Gordon sa lahat ng paratang sa kanya, para tuloy ang tanong ko, bakit now lang? Hindi ba nakita iyon noon pa?

Iyon mga lumalabas na issues, bakit ang dami ngayon, bakit nung una parang hindi pinansin, now lang lumabas?

Hay naku, ganyan lagi, tapos wala rin. Hindi mo rin alam paano ang ending. Kung ano na nangyari.

Kaya Salve at Gorgy, bumoto tayo, huwag sa­yangin, basta vote natin iyon gusto ng puso natin.

Tutal naman, baka mapagod na rin ang tao, at may makita na pagbabago.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with