^

PSN Showbiz

Gabby mas gustong makatrabaho si Dawn!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Gabby mas gustong makatrabaho si Dawn!
Dawn at Gabbi
STAR/ File

Nakakatuwa naman iyong post ni Gabby Concepcion tungkol sa aktres na si Dawn Zulueta.

Mukhang na-miss na rin ni Gabby na makatrabahong muli si Dawn, na sa kanyang description, ang aktres daw ay larawan ng “#class” at “#elegance”.

Nakita naman ni Dawn ang post na iyon na ginawa ni Gabby na sinagot ng aktres na “Miss you makatrabaho Gabo. Ingat.”

Sa natatandaan namin, maraming mga pelikulang napagsamahan sina Dawn at Gabby, kabilang na ang Una Kang Naging Akin.

Halos nagsisimula pa lamang noon si Dawn, samantalang si Gabby ay isa nang sikat na matinee idol noong panahong iyon. At marami nga ang nagsasabi na parang nagco-compliment ang kanilang hitsura, dahil hindi naman maikakaila na isa si Gabby sa pinaka-poging actor, at si Dawn naman ay kabilang sa sinasabing one of the prettiest faces in local showbusiness simula noon pa.

Ang natatawag nang ganyan noon ay sina Amalia Fuentes, Maritess Revilla at Marianne dela Riva sa aming pagkakatanda.

Kaya nga sinasabi noon na sila ay bagay na magkatambal.

Pero hindi naman sila kakagatin as a love team. May asawa na noon si Gabby, at si Dawn naman ay umamin openly na mayroong  siyang boyfriend. Noong una ay si Monsour del Rosario, at nang malaunan ang isa pang matinee idol noon, si Richard Gomez, na siya niyang naka-love team at nakasama sa maraming pelikula at iba pang projects.

Pero kahit na sa ngayon marami ang nagsasabi na kung magkakatambal nga siguro sina Gabby at Dawn ay magiging malaking hit din iyon.

Pero ang problema, hindi man masasabing nakatali sa isang kontrata dahil kung nagkaroon man ay tiyak na pinakawalan na rin siya dahil nawalan nga ng franchise ang ABS-CBN, pero identified pa rin si Dawn na “kapamilya” kahit na nagsimula siya sa mga show ni Kuya Germs sa Kapuso channel.

Si Gabby naman ay walang dudang nananatili sa Kamuning, kahit na nga noong nagbalik siya sa kanyang career matapos ang

mahabang panahon ng pananatili sa Amerika ay sa ABS-CBN siya naunang napanood.

Ewan kung possible, pero sana nga magka­tambal silang muli.

Nadine, nagpapakitang hindi celebrity ang hitsura

Natatandaan namin ang sinasabi ng pinaka-mahusay sigurong star builder noong araw na si Dr. Jose Perez. Sinasabi niya, ang isang artista ay hindi dapat nakikita ng publiko na hindi naka-ayos. Kasi sa career nila kailangang hangaan sila.

Ganundin ang sinasabi ng isa pang star builder, si Kuya Germs, siguro matatanggap ng fans ang isang artista ano man ang hitsura nila kung makita sila, pero papaano ang hindi pa nila fans?

Papaano madadagdagan ang kanilang fans kung ganoon.

Nabanggit namin ito dahil may nakita kaming post ni Nadine Lustre. Private photo iyon sa paniwala namin, pero dahil inilabas niya sa kanyang social media account, naging public na. Ang tingin namin wala sa ayos ang picture. Mukhang naka-underwear ba o bikini si Nadine, tapos tinakpan niya ang katawan niya ng damit, at halata mong wala sa ayos kung sino man ang kumuha ng picture na iyon.

Hindi iyon makakadagdag sa kanyang popularidad at siguro kailangang iwasan niya ang mga ganoong picture dahil nakakatulong ‘yun para mabilis na mawalan siya ng career.

Mga nang-aakit na lalaki sa social media, nakakatanggap ng mga proposal

Madalas itanong sa mga male star “may natanggap ka na bang indecent proposals”? Naturally ang tinutukoy ay mga “gay offer”.

Pero palagay namin, walang makakatanggap ng indecent proposals kung walang makikitang motibo sa mga artista na papatol sila. Ang nakakatanggap ng indecent proposals ay iyong mga laging naka-hubad, kilalang may bisyo at nangangailangan ng pera, o iyong kilalang walang trabaho at posibleng nangangailangan din.

Kung hindi naman ganyan ang sitwasyon, palagay namin wala ring maglalakas ng loob na mag-alok ng indecent proposals, maliban doon sa mga “experienced bookers”, at marami niyan sa showbusiness.

vuukle comment

GABBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with