^

PSN Showbiz

Kapit lang ng Bini, nagdala ng good vibes sa netizens

Pilipino Star Ngayon
Kapit lang ng Bini, nagdala ng good vibes sa netizens

MANILA, Philippines —Patuloy ang pagbibigay-inspirasyon ng mga awitin ng P-Pop girl group na BINI dahil puring-puri ng fans at netizens ang nakaka-good vibes na latest single nitang Kapit Lang. Wala pang isang linggo, nagtala agad ng higit sa 320,000 views sa YouTube ang matingkad na music video.

Nakakatuwa at nakakaindak ang music video kung saan nakasuot ng makukulay na damit ang mga miyembrong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena habang sabay-sabay na humahataw.

Maraming fans ang naka-relate sa mensahe ng BINI tungkol sa pagiging matatag at palaban sa kabila ng iba’t ibang pagsubok. “Minsan ayoko nang bumangon, nalulunod sa lungkot at galit. Pero kahit mahirap, gagawin ang kailangan… Kapit lang, kaibigan,” ang mensahe ng BINI sa kanta.

 Una nang gumawa ng ingay ang BINI nang inilabas nila ang debut single nilang Born to Win. Kamakailan ay nakapagtala na ito ng higit sa 500,000 na streams sa Spotify at higit sa isang milyong views sa YouTube.

Bukod sa kanilang paparating na debut album at sibling concert ngayong taon, pinaghahandaan na rin ng BINI ang performance nila kasama ang brother group nilang BGYO para sa 1MX Music Festival na gagawin sa Dubai sa Disyembre 3. Ito ang unang pagkakataon ng dalawang grupo na makapag-perform sa harap ng kanilang international fans.

Samantala, makakabili pa rin ng tickets para sa inaabangang One Dream: The BINI & BGYO Concert sa Nobyembre 6 at 7. Ang SVIP tickets ay nagkakahalaga ng P1,950 o US$39.99 para mapanood ang dalawang shows at makasali sa fan meet sa KTX.PH. Available din ang VIP tickets sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa halagang P1,490 o US$29.99 para makapanood ng parehong shows.

Masusubaybayan din ng fans ang mga pinagdaanan ng BINI at BGYO bago at pagkatapos nilang i-launch, pati na ang ginagawa nilang paghahanda para sa kanilang concert, sa iWantTFC documentary na One Dream: The BINI & BGYO Journey. Ipinapalabas ang bagong weekly episode nito kada Sabado ng 10 p.m. sa iWantTFC.

vuukle comment

BINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with