^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad na kayang magpatayo ng mall ngayon, naglalambing noon sa beki para may makain!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Throwback ang kuwentong ito tungkol sa isang sikat na lalaking persona­lidad na galing sa kahirapan pero ngayon ay nasa ituktok na ng tatsulok ang kabuhayan.

Mga dati niyang kasabay na nangangarap ang nagbalik-alaala sa kanilang buhay nu’ng mga panahong walang-wala pa ang male personality. Maganda ang ikot ng istorya, kapupulutan ng inspirasyon at aral, kuwento ng kanyang mga dating kaibigan.

Unang kuwento ng aming source, “Kilala namin ang mga dati niyang kasa-kasama nu’ng suntok sa buwan pa lang ang pangangarap niya. sobrang tindi ng pinagdaanan niya, pero hindi siya sumuko, talagang nakipaglaban siya sa buhay.

“’Yun ang time na hindi niya alam kung saan siya makakakuha ng kakainin, butas na butas kasi ang bulsa niya, tulong lang ng mga kaibigan ang inaasahan niya,” kuwento ng aming impormante.

Kumakain sila nang sabay-sabay, mas maraming kanin kesa sa ulam, dahil wala nga silang pambili. Tubig mula sa gripo lang ang iniinom nila, meron nang mineral water nu’n, pero wala silang pakialam dahil kulang sila sa bala.

Patuloy ng aming source, “Hindi niya maidedenay ang kuwentong ito, alam ng male personality ang totoong pinagdaanan niya, meron siyang ginawa nu’n para lang siya mabuhay.

“May isang beking inuutangan nila, may sari-sari store ang beki, du’n sila palaging nakatambay ng mga kaibigan niya kapag tapos na sila sa pag-eensayo.

“Nilalambing-lambing niya ang matandang beki. Ang kapalit nu’n, e, sardinas, tinapay, bigas at sabon. Siya ang tinatawag na alay sa grupo. Kapag wala na silang pagkain, gora na ang male personality sa tindahan ng beki!

“Sa totoo lang, sinasamahan pa niya sa pamimili ng mga paninda ang beki, sa laki ng mga muscles niya, e, kayang-kaya niyang buhatin ang mga pinamimili ng nilalambing niyang beki!

“Maparaan din ang male personality para lang siya mabuhay, ha? Walang-wala kasi siya nu’n, wala rin naman siyang maaasahan sa pamilya niya, kaya naisip na lang niyang lambing-lambingin ang matandang beki na may-ari ng tindahan!

“Mapagbiro talaga ang kapalaran, di ba naman? E, ngayon, kayang-kaya nang magpatayo ng mall ng male personality dahil super-yaman na siya!

“Ang nakakalungkot lang, e, nakalimutan na niya ang mga taong nakasama niya nu’ng panahong taghirap siya. May mga nagpaparamdam sa kanya, pero hinaharang naman ng mga taong nakapaikot sa kanya ngayon.

“Nakakaloka ang pinagdaanang buhay ng sikat na male personality, usung-uso na rin pala nu’ng ang kasabihan na ang lalaking gipit, sa beki kumakapit!” natatawang-napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Yen, ayaw tantanan!

Pahupa na sana ang pagpipista ng buong bayan sa isyu ng hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes na si Yen Santos ang itinuturong third party ay may humabol pang kontrobersiya.

Nagkaroon pa ng buntot ang umalis na sanang bagyo, parang daga sa kanyang lungga ngayon ang kontrobersiyal na aktor na walang masulingan sa kanyang lungga, paano kaya niya malulusutan uli ito?

Sa kanyang mensahe kay anak-anakang Ogie Diaz ay sinabi ni Paolo na nagpabakuna raw siya sa Caloocan nu’ng August 28, nag-taping din siya ng Bubble Gang at Dear Uge, kaya paano magiging posible ang pagsasama nila ni Yen Santos sa Baguio nang isang linggo?

Papayag ba naman ang mga Maritess sa basta ganu’n lang na pahayag ni Paolo? Ayun, nabisto tuloy siya na August 9 siya nagpabakuna sa Caloocan, mismong sa FB page niya ‘yun lumabas.

Hindi rin puwedeng second dose ang kanyang tinutukoy dahil hindi puwedeng halos magkasunod lang ang petsa ng una at pangalawang pagbabakuna.

Ayaw talaga silang tantanan ni Yen ng mga kababayan nating mas mahabang panahon ang ginugugol sa tsismis kesa sa ikauunlad ng kanilang buhay ngayong pandemya.

Sabi pa ng isang basher, “O, di ba? Sa bibig nahuhuli ang isda, hindi sa buntot! Sa kanya mismo nanggaling ang date na August 28, pero August 9 pala siya nagpabakuna!”

Tahimik pa rin si Yen hanggang ngayon, hinahayaan na lang siguro nitong mapagod ang mga Maritess na sobra ang pagtutok sa isyung kinasasangkutan nila ni Paolo, palilipasin na lang nito ang natural na pagkamatay ng kontrobersiya.

Pandemya ngayon, walang gaanong magawa ang ating mga kababayan, kaya sa ganitong paraan na lang sila naglilibang.

vuukle comment

GAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with