^

PSN Showbiz

Miss Universe hotel ginagamit na lang sa taping, table... last episode na

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Miss Universe hotel ginagamit na lang sa taping, table... last episode na
Mayor Chavit Singson.

Ginagamit na lang pala sa taping ng Ang Probinsyano ang hotel na gagamitin sana sa Miss Universe sa Ilocos na pinagawa ni Mayor Chavit Singson. Hmm, parang naudlot nga ang pagkakuha ng franchise ng Miss Universe Philippines ng kontrobersiyal na pulitiko at napunta na ito sa grupo ng former beauty queen na si Shamcey Supsup.

Anyway, si Mayor Chavit ang guest sa finale episode ng cable show na Table Love by Pinky hosted by Pinky Tobiano na mapapanood ngayong Sabado, Setyembre 18, bago ang season break.

Sa kauna-unahang pagkakataon, makakasama ni Singson ang kanyang mga anak na sina Chelsey at Christian sa TV.  Nakatulong si Chelsey Singson ng host nito upang buuin ang isang safari-inspired table kung saan binalikan nila ang ilan sa memorable moments niya kasama ang ama na mahilig sa mga hayop at anumang bagay na may kinalaman sa safari. Sa kanilang sitdown interview nakasama naman nila si Christian na nagkwento naman ng mga bagay na lubos niyang ipinapagpapasalamat sa ama.

Sa pagtatapos ng season ng programa, nagpaabot naman ng pasasalamat si Chemist Pinky sa lahat ng tumulong, nakiisa, nakisaya at nakisalo sa show hindi lang sa tablescaping na itinuturo niya, kundi pati ang mga nakaka-inspire na kwento ng pagbangon, pagmamahalan at tagumpay ng inyong mga paboritong artista na naitampok din dito.

Napapanood sa TFC at iWant ang Table Love by Pinky  tuwing Sabado, 4 p.m. sa USA/Canada, Pacific, Saudi/London, Asia at 6 p.m. sa Guam. 

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with