^

PSN Showbiz

Pia handa nang bumoto, maraming artista naghihikayat na magparehistro

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pia handa nang bumoto, maraming artista naghihikayat na magparehistro
Pia at Jeremy.

Handang-handa nang bumoto si Pia Wurtzbach sa May 2022 kahit nasaan siyang bahagi ng mundo.

Ito ay matapos siyang magpa-register sa Abu Dhabi dahil next year daw ay marami siyang naka-schedule na travel doon.

Sa kanyang post ay pinaalala niya na importanteng magpa-register para makaboto bilang commitment sa ating bayan.

“Here’s your reminder to register to vote for Halalan 2022!  Two weeks left til voter registration closes on Sept 30!

“A little story… The last time I was in Abu Dhabi, I realized that I might not be home in the Philippines come elections time. And I don’t want to miss this coming elections.

“Since I’ll be flying between Abu Dhabi and Manila more frequently next year, which might be the case on May 9, 2022, I immediately went to the Philippine Embassy last time I was there to register and make sure that I’ll be able to cast my vote even when I’m not in the Philippines. Whether I’ll be working or traveling, this is my PROMISE to myself and my COMMITMENT to my country that I will be able to cast my vote on May 9.

“YOUR VOTE MATTERS. Let’s all do our part.  Kung mahal mo ang Pilipinas, gawin natin ang ating karapatan na bumoto para sa ating bayan,” sabi ng dating Miss Universe na nakabalik na sa bansa matapos mag-travel kasama ang travel influencer niyang boyfriend na si Jeremy Jauncey.

Samantala, sa nalalapit na deadline ng voter registration sa Setyembre 30, itinodo na rin ng Star Magic artists ang paghihikayat sa mga Pilipino na magparehistro at bumoto sa Halalan 2022 bilang ambassadors ng kampanya ng Bayan Mo, iPatrol Mo (BMPM) ng ABS-CBN.

Sa TikTok naman nagbigay ng impormasyon tungkol sa requirements para makapagrehistro, at kung saan pwedeng magpa-register sina Edward Barber, Anji Salvacion, at Heaven Peralejo. 

Idinaan naman ni Pepe Herrera sa isang video sa kanyang social media account ang kung gaano kadali at kabilis magparehistro sa Comelec. 

Sina Aya Fernandez at Robi Domingo naman, nagbahagi kung papaano pumili ng ibobotong kandidato sa ginanap na Botante Ako! A Voter’s Education Forum ng Biliran Province State University na isa sa partner schools ng BMPM.

Nagkaroon din ng voter’s education forum sina Robi, Aya, at Ria Atayde sa Holy Angel University sa Angeles, Pampanga.

Samantala, certified registered voters na rin ang ilan pang Kapamilya stars para magpakita ng mabuting ehemplo sa kanilang fans paraan nila na manghikayat sa mga Pilipino.   

Kabilang sa listahan ng botante sina Janine Berdin, Miles Ocampo, Pepe, Turs Daza, Empress Schuck, Karl Gabriel, Arabella del Rosario, CK Kieron, Zeppi Borromeo, Alora Sasam, Sandino Martin, Nyoy Volante, at Erich Gonzales.  

“Minsan iniisip natin, ‘yung isang boto natin hindi nagma-matter, pero kapag pinagsama-sama natin ‘yun lahat, ‘dun natin malalaman kung gaano ka-powerful ‘yung boses natin,” ani Miles sa panayam ng ABS-CBN News. 

Layon nilang lahat na hikayatin ang kabataan na magparehistro at bumoto para sa kinabukasan ng bansa.

Maging ang samahang Aktor.PH ay ini-encourage rin ang lahat na magrehistro.

Aktibo ang mga artista sa pagpaparehistro para magkaroon ng boses sa darating na eleksyon.

Hindi nga namang pulos sa social media lang ang talak.

 

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with