^

PSN Showbiz

Utang kay Jinkee klinaro ni Claudine, Gretchen nagpipigil sa ‘ate’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Utang kay Jinkee klinaro ni Claudine, Gretchen nagpipigil sa �ate�
Claudine at Gretchen.

May bulung-bulungan na nagkautang diumano si Claudine Barretto sa kaibigang si Jinkee Pacquiao. Sa pamamagitan ng Facebook Live ay nilinaw ng aktres ang tungkol sa isyung kinasasangkutan. “Alam n’yo ho, sa una kasi hindi mo naman papansinin ‘pag ganyan ‘di ba? Kaya lang, minsan ‘pag hindi na mamatay-matay ‘yung tsismis, nakaka-bother na rin. Unang-una kasi, nakakahiya kasi nada-drag ‘yung pangalan ni Jinkee. Kaklaruhin ko ngayon pa lang na wala akong kahit na anong utang kahit na kanino, kahit kay Ms. Jinkee Pacquiao,” paglilinaw ni Claudine.

Kinausap din muna ng aktres ang asawa ni Manny Pacquiao upang humingi ng permiso bago linawin sa publiko ang isyu. Ayon kay Claudine ay malaki ang kanyang utang na loob sa mag-asawang Manny at Jinkee. “Hindi ako mayaman pero hindi rin ako waldas sa pera,” giit niya.

Suportado naman ni Gretchen Barretto ang bunsong kapatid sa isyung kinasasangkutan. “Sinong nagkakalat niyan, babe? Hindi kaya ate mo? Bakit ka ba inaapi, ha? Tinawagan ka pa niya kagabi, ‘di ba? What time was that? 2 something ng umaga tapos ‘yung boses ng ex-mayor nando’n ‘di ba? Meron kaming mga gustong sabihin na nagpipigil pa kami. Ayaw namin ng away, we just want peace. There are things that we want to clear because kailangan. There are also some things that kailangan idaan din sa lawyer. Now, we’d rather not talk about it yet, para fair ‘yung trial na ‘yon. I feel like Claudine wants to clear her name and get justice,” makahulugang pahayag ni Gretchen.

Maris, nagulat sa nangyari sa kanila ni Rico

Napapanood na ngayon ang music video ni Maris Racal para sa kantang Asa Naman.

Nakatuwang ng actress-singer ang kasintahang si Rico Blanco sa pagsusulat ng kanta at paggawa ng naturang music video. Magkasundung-magkasundo ang magkasintahan sa paglikha ng magandang musika. “Minsan kasi may songwriter ka na mami-meet na hindi mo kapareha ng ways, hindi mo kapareha ng technique. Nagkataon lang medyo pareho kaming dalawa that’s why ang bilis naming nakuha ‘yung writing ng isa’t isa. Before kasi nag-meet kami through that and then ‘yung nagkaintindihan na. That’s when the music happened,” paglalahad ni Maris.

Maraming mga bagay umano ang natutunan ng dalaga mula kay Rico pagda­ting sa pagsusulat ng mga kanta. “Hindi pa ako magaling masyado and no’ng naka-work ko siya, sobrang nag-iba talaga. Do’n ko natutunan na may rules pala sa music writing. Hindi pala writing your heart out lang. May pattern pala na pina-follow but at the same time adding your taste and your kind of art to it,” pagbabahagi ng aktres.

Malaking bagay rin ang pagkakaroon ng masaya at maayos na relasyon para makalikha ng makahulugang mga kanta. “Wala siya sa equation sa first part eh. Biglaan na lang siyang nangyari. Parang hindi namin in-expect ‘yon na mangyayari. Our collaboration was only for music lang and then may surprise na nangyari,” pagtatapos ni Maris. Reports from JCC

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with