^

PSN Showbiz

Julia, walang pinagsisihan sa mga naging desisyon

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia, walang pinagsisihan sa mga naging desisyon
Julia
STAR/ File

Kontrobersyal ang naging hiwalayan noon nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Ngayon ay masayang-masaya ang aktres sa relasyon nila ni Gerald Anderson. Para kay Julia ay dapat na ipinaglalaban ang isang tao kung talagang mahal mo. “Kapag mahal mo, hindi mo susukuan. Kahit mahirap, kakapit ka pa rin,” makahulugang pahayag ni Julia.

Naniniwala ang dalaga na hindi dapat na ipinipilit pa ang sarili sa isang taong ayaw sa iyo.

Hanggang maaari ay lalayo na lamang daw si Julia kapag ayaw na sa kanya ng isang tao. “I will only walk away when the person I’m in a relationship with wants to walk away. Because there’s respect, we respect that they don’t want it anymore. So hindi na, huwag pilitin. Don’t force somebody to be in a relationship with you if they don’t want to be with you anymore. I think that’s the time you walk away as well,” paliwanag ng aktres.

Ayon kay Julia ay wala siyang mga pinagsisihang naging desisyon sa mga nakalipas na taon pagda­ting sa personal na buhay. “I don’t believe in regrets and I don’t believe in regretting anything especially if it brought you to where you are in life right now. And I’m pretty grateful for where I am right now, happy and content. Kung meron akong ‘di na muli na babalikan na moment or pangyayari sa buhay ko, siguro ‘di ko na babalikan ‘yung moment na kinailangan kong magpaalam sa lolo ko. Masakit ‘yon eh, kailangan mong magpaalam at mawalan ng mahal mo sa buhay,” pagbabahagi ni Julia.

Misis ni Joross, walang selos kay roxanne!

Napapanood tuwing Sabado sa Kapamilya Channel ang Hoy, Love You! na pinagbibidahan nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa.

Kahit muling nagpapakilig ang tambalang Jo-Rox sa kanilang mga tagahanga ay hindi naman umano nakararam­dam ng selos ang asawa ng aktor kay Roxanne. “We stay professional and respectful with each other. There’s openness and transparency. If guided ka ni Lord, wala ka na dapat ikatakot. So kami nando’n talaga ‘yung trust and respect for each other. itong passion ko na pag-aartista and kasama sa job na ‘to ‘yung may makaka-interact akong mga makakapareha ko. Pero at the end of the day, siya ang pinakasalan ko. Siya ang mahal ko,” paliwanag ni Joross.

Masayang-masaya ang aktor dahil kahit walang prangkisa ang ABS-CBN ay patuloy silang nakapagtatrabaho at nakapagbibigay kasiyahan sa mga manonood sa gitna ng pandemya. “Despite ‘yung mga nangyari simula 2020 ‘yung shutdown at pandemic, we believe kasi na God is our provider and we will never lack kapag kay God tayo kumapit. We are blessed to entertain people kahit na ang da­ming pinagdaraanan natin ngayon. So ‘yon ang main lesson na naman, bini-bless tayo ni God para mag-bless din ng ibang tao. Kaya lahat ng bagay na nangyayaring ito dahil pa rin kay God and we are still thankful,” paglalahad ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with