^

PSN Showbiz

Paolo hanggang telepono muna kay Yen?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Paolo hanggang telepono muna kay Yen?!
Yen.

Naku Salve tinataguan na ako ni Paolo Contis kasi nga tatalakan ko siya at itatanong kung bakit si Yen Santos ang friend na gusto niyang kasama habang nasa Baguio siya, adding fuel sa sunog noh!

Kalokah talaga na hindi man lang niya naisip na lalo pang dagdag tsismis iyon ginawa niya sa halip na manahimik na nga sana iyon issue.

Hay naku, buti na lang at naghahanda na sa lock-in taping si Paolo ng serye niyang I Left My Heart In Sorsogon, baka sakaling humupa na iyon mga speculations at usapan. Suwerte ng mga naka lock-in, hindi puwede magsama ng ‘friend’ bawal.

Kaya kung sakali, babad telepono na lang gagawin ni Paolo. Joke joke joke !! Hah hah!

Basta ngayon ang common joke ngayon, ‘call a friend,  kasi sad ako,’ hah hah.

Common joke na basta sad ang isang lalaki, tawagan ang isang friend na babae para samahan siya sa kanyang kalungkutan.

May insinuation ng kapilyuhan, pero hindi mo naman masisi dahil talaga naman parang hindi normal na ang tatawagan mo para samahan ka ng babae.

Pero siyempre, hindi mo rin masisi baka nga may emotional attachment sila na mas matindi kesa sa ibang kaibigan pagkatapos nilang gawin ang pelikulang A Farway Lang.

Ang hirap talagang takpan ang butas pag masyadong malaki, go with the flow na lang, hintayin na lang mag iba ang ihip ng hangin. 

Beautederm endrosers, may ilang nakakalimot

Nagtatampo si Rhea Tan ng Beautederm sa mga endorser ng products niya na nakakalimot mag-post sa social media.

Dapat lang naman siyang magtampo dahil part iyon ng kontrata, at nakapagtataka na nakakalimutan nilang i-post. Napaka-generous at mabait ni Rhea kaya dapat ma-guilty iyon mga endorser na hindi ginagawa ang mga dapat nilang gawin. Sa ngayon, isa nang brand ang Beautederm kaya kahit pa nga magbawas ng endorsers kaya na nito na tumayo ng matatag.

Ipaaalala ko iyan kila Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado at Christopher de Leon para mag post nang mag post, or else, mawawalan sila ng endorsement.

vuukle comment

YEN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with