^

PSN Showbiz

Split na kay Kiko...Heaven, walang guilty conscience

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Split na kay Kiko...Heaven, walang guilty conscience
Heaven.

May bulung-bulungan na nagkahiwalay na diumano sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.

Matatandaang ilang linggo pa lamang ang nakalilipas nang aminin sa publiko ng magkasintahan ang tungkol sa kanilang relasyon. “Right now, I’m in the phase of loving myself, no joke. Every morning and every night, nandoon ako sa mga affirmations. They say, na ‘pag sinasabi mo ‘yan sa sarili mo, parang magnet iyon. So iyon ‘yung magiging buhay mo. Alam mo ‘yung mga thing na hindi ko alam na kaya kong gawin, nagagawa ko pala in a good way,” makahulugang pahayag ni Heaven.

Unang nagkatrabaho sina Heaven at Kiko sa teleser­yeng Bagong Umaga na nagtapos nitong taon lamang.

Kasintahan pa noon ng aktor si Devon Seron kaya naman nang nagkahiwalay ang dalawa ay nasangkot ang pangalan ni Heaven.

Nakaranas ng online bashing ang aktres mula nang na­ging kasintahan si Kiko “In every aspect of life, hindi ka naman talaga magiging ready kahit na sabihin mong ready ka. Hindi mo naman makikita kung gaano ‘yung gravity ng isang bagay, especially when it comes to bashing and kung paano pala makaka-affect ‘yon sa ‘yo and sa family mo. Ako, I’ll say na hindi ako ready talaga, though alam ko na meron, hindi ako ready. Ngayon I’m getting used to it. Nakaka-adapt ako slowly. My family knows the truth, basta walang guilty conscience. Hindi ko na lang ipapa-affect ‘yung criticisms sa akin. More like I’m going to find myself and I’m going to know more about myself and I’m going to love myself, ” paliwanag ng dalaga.

Jerome, laging kasama ng karelasyong vlogger

Masaya ang buhay pag-ibig ngayon ni Jerome Ponce. Madalas na nagpo-post ang aktor sa kanyang Instagram account ng mga larawan kasama ang tinatawag niyang ‘Mahal’ na si Sachzna Laparan.

Ayon kay Jerome ay talagang maayos at masaya ang relasyon nila ng vlogger. “Happy, inspired at napu-push ako lalo to make myself a better person, more knowledge, at mas appreciative sa buhay,” nakangiting pahayag ni Jerome.

Madalas ding nakakasama ang aktor sa video blogs ni Sachzna sa YouTube channel ng dalaga. ‘Mahal’ ang tawagan ng magkasintahan sa isa’t isa na napapanood sa iba’t iba nilang vlogs.

Natutuwa raw si Jerome dahil nagsisilbi silang inspirasyon ng dalaga sa mga netizens na patuloy na nanonood sa YouTube channel ni Sachzna. “Makikita talaga ng tao ‘yung happy kami, and all. Saka nakakatuwa rin na may nai-inspire kaming mga tao. Do’n pa nga lang eh, from likod ng television, ng camera sa TV. Iba ang pag-inspire namin as as actor sa televiewers unlike sa mga vlog. Do’n talaga mapapakita na gagawa kayo, may learnings lahat ng vlogs nila, dapat ganito, dapat ganyan. Like recently about mga helper (ang topic),” paglalahad ng aktor. Reports from JCC

 

 

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with