^

PSN Showbiz

Male singer, hindi nahihiyang irampa ang kanyang lalaki!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malaki ang bentahe ng mga personalidad na walang itinatago sa publiko. Patagilid man ang kanilang pag-amin tungkol sa kanilang personal na buhay ay wala nang nambubulabog sa kanila.

Ang mga may itinatago pero hindi pa handang umamin ay nakatira pa rin sa kloseta, nagtatago sa dilim, takot na takot lumabas dahil siguradong pagpipistahan sila.

Kuwento ng aming source, “Maligaya na ang buhay ngayon ni ____(pangalan ng isang magaling na male singer na lumantad na sa katotohanan tungkol sa kanyang gender). Malaya na siyang nakapag-iikot nang wala siyang kinatatakutan.

“Makita man siya sa isang resort na may kasamang guy, e, hindi na siya natatakot, kaswalan na lang ang galawan niya, umamin na kasi siya.

“Nakita siya ng mga friends namin sa isang sikat na resort, may kasama siyang guy, hindi sila napi-PDA, simple lang sila. Pero siyempre, alam na ng mga nakakakita sa kanila na ‘yun na ‘yun!” unang kuwento ng aming impormante.

Mabait ang male singer, marespeto siya sa kahit sino, kalat na kalat na ang katangian niyang ‘yun kaya nirerespeto rin siya ng publiko.

Patuloy ng aming source, “Hindi siya iniiwasan ng mga katrabaho niya, hindi siya pinag-iisipan ng hindi maganda, marespeto kasi siya. Parang wala lang, parang walang alam ang mga kasamahan niya tungkol sa personal life niya!

“Hindi naman kasi siya nagte-take advantage kahit kanino, marespeto talaga siya, kaya respeto rin ang ibinabalik sa kanya ng mga nakakatrabaho niya.

“’Yun ang maganda sa mga taong marespeto, matinding respect din ang ibinabalik sa kanila,” kuwento uli ng aming source.

Masyadong nagasgas ang pangalan ng male singer ilang taon na ang nakararaan dahil sa pag-uugnay sa kanyang pangalan sa isang male actor-singer din. Wala siyang ikinomentong anuman pero sa isang libro niyang sinulat ay parang nandu’n na rin ang kuwento.

“Wala siyang binanggit na name, pero ‘yun na ‘yun, e! Inilantad niya ang kuwento nang wala siyang ipinahiya at pinakialamang gender ng sinuman!

“Ngayon, e, free na siya, nakalabas na siya sa hawla, nagagawa na niya ang gusto niya nang wala siyang tinatapakan at sinasaktan. Mark my word, walang mambabastos sa kanya dahil sa pagiging marespeto niya,” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

TIPMMG, may pasabogsa pagbabalik!

Pagkatapos nang tatlong Martes ay heto na uli para magpasabog ang Take It, Per Minute… Me Gano’n. Nag-text sa amin si Manay Lolit, kapag hindi pa raw pumayag si Salve Asis na mag-show kami ngayong tanghali ay magwawala na siya, matinding pagkaburyong na raw kasi ang inaabot niya sa bahay.

Para sa isang tulad ni Kabsat na sanay na lumalabas ay napakatinding parusa ang pumirmi lang sa bahay. Ang Martes pa naman para sa kanya ang araw ng kalayaan dahil isinasabay niya na ang iba pa niyang mga lakad pagkatapos ng TIPMMG.

Hindi na kami mapapagod sa pagsagot ngayon sa tanong ng mga kababayan natin mula sa iba-ibang bansa, maging dito sa atin, kung kailan babalik ang TIPMMG na itinuturing nilang happy pill ngayong pandemya.

Ang dami-daming pasabog ngayong tanghali. Sa unang pagkakataon ay maririnig natin ang reaksiyon ni Manay Lolit tungkol sa paghihiwalay nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Hindi kami naniniwalang wala siyang alam. Bilang manager ni Paolo ay siguradong nagtapat sa kanya ang aktor kung ano talaga ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ.

Kailangan ding magbigay ng opinyon si Manay Lolit tungkol sa pagbabati nina Lorna Tolentino at Rosanna Roces. Lalambot na rin kaya ang puso niya sa alibugha niyang dating alaga?

At kami naman, inaasahan siyempre ng mga tagasuporta namin ang makasaysayang resbak namin sa mga kuwentong Jinkee Pacquiao, ayon kay Senador Manny ay mukhang mahal lang naman ang isinusuot ni Jinkee pero mura lang. Mamatey?

Siyempre’y inaabangan din ng mga loyalista ng TIPMMG ang mga pasabog na blind item ni Mr. Fu na pinapangalanan ni Many Lolit!

Lahat ng mga isyu ay sasagutin! Lahat ng mga kuwentong lihim ay pasasabugin! Walang iiwanang kontrobersiya ang Take It, Per Minute… Me Gano’n ngayong alas dose nang tanghali sa nangungunang digital show.

Baka nga pati ang sighting ng UFO sa Sorsogon at Bolinao, Pangasinan ay pakialaman na rin namin para lang mapasaya at malibang ang mga kababayan nating OFW na tatlong linggong naghintay sa kanilang paboritong libangan.

Kitakits po tayo ngayong tanghali sa TIPMMG na napapanood sa pamamagitan ng FB page at YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

 

 

 

vuukle comment

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with