^

PSN Showbiz

Mayor Chavit, nag-invest ng $100 million sa bansa ng mga oppa, South Korea!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Mayor Chavit, nag-invest ng $100 million sa bansa ng mga oppa, South Korea!
Mayor Chavit

Speaking of Ilocos, habang nagso-shoot ang cast ng Ang Probinsiyano sa mala-palasyong bahay ni Mayor Chavit Singson sa tabing dagat sa Narvacan na halos katulad diumano ng mga mala-palasyong bahay ng mga super sikat na Hollywood personalities sa California, ang masipag at galanteng alkalde naman pala ay nasa South Korea sa kasalukuyan upang mag-invest ng tumataginting na 100 million dollars sa nasabing bansa.

Wow.

Yes, you read it right. Kakatapos lang diumanong pumirma si Mayor Chavit ng memorandum of understanding para sa 1.7 billion dollars resort development project sa nasabing bansa na paboritong pasyalan ng maraming Pinoy bago nag-pandemic dahil sa mga iniidolo nilang Korean stars.

Kasama diumano ng mayor dito ang Gangwon Province government, East Coast Free Economic Zone Authority, Korea Investment & Securities Co. at Hyundai Asset Management Co.

At kasali umano sa proyektong ito ang pagpapatayo ng resort cen-ters at ocean complexes sa Donghae City, nasa 260 km silangang bahagi ang layo mula sa Seoul.

Plano rin daw ng LCS Group na pinamumunuan ni Mayor Singson ang bumili ng properties para sa mga sarili nitong business doon.

At ang LCS group pala ang pinakaunang Philippine company na mag-invest para sa real estate development project sa bansang South Korea.

Grabe, massive kung ganun.

Baka ito na talaga ang chance para magkaroon ng chance ang mga katulad kong K drama fanatic na maka-press visit man lang sa taping or shooting Koreanovela at makita ang mga oppa. Hihihi.

But anyway, iba rin si Mayor Chavit ha. Imagine nag-invest talaga siya sa Korea.

Samantala, parang nasa Africa ang feel ng mga naka-quaratine na cast ng Ang Probinsyano dahil nga ang dami umanong mga exotic animal sa kanyang mansion / hotel na pagala-gala sa Ilocos kaya ang feeling daw talaga ng mga artista ng AP ay nagbabasyon lang sila ‘pag hindi nakasalang at taping at ngayon ngang quarantine.

Kelan naman kaya puwedeng mag-guest appearance si Mayor Chavit sa AP?

Anyway, pagdating dito sa Pilipinas, ang group of companies pala ni Mayor Chavit ay nakatutok sa mining, transportation, defense, logistics at telecommunication towers.

Bukod diumano sa pag-invest ni  mayor sa South Korea, tinututukan din nito ngayon ang pagpapalagay ng solar panel para sa bagong parking lot ng public market sa bayan ng Narvacan Ilocos Sur na kanyang pinamumunuan. Ang solar panel ang pagmumulan ng supply ng kuryente para sa charging stations ng electric jeepneys sa nasabing lugar.

Just wow.

vuukle comment

CHAVIT SINGSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with