^

PSN Showbiz

Ang pasko ay sumapit, mas sikat pa rin kesa sa Christmas in our Hearts!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Kabi-kabila ang mga interview ngayon kay Jose Mari Chan.

Ber month na nga at maski sa mga mall na wala halos tao dahil sa lockdown, nagpapatugtog na sila ng Christmas songs at natural kabilang doon ang kantang Christmas in our Hearts.

Siguro nga sikat ngayon ang kantang iyan, pero palagay namin ang pinaka sikat na Christmas song na gawa ng isang Pilipino ay iyon pa ring Ang Pasko ay Sumapit.

Iyan ay kinakanta sa katapusan ng bawa’t misa sa mga simbahan paPasko na. Iyan din ang kinakanta ng mga batang nagka-carolling. Bahagi rin ang kantang iyan ng mga choral competition.

Mas maraming Pinoy ang kumakanta ng Ang Pasko ay Sumapit kahit na ngayon kaysa sa Christmas in our Hearts.

Ang kanta ni Jose Mari Chan, gusto nilang pinakikinggan pero ang Pasko ay Sumapit, kinakanta nila.

Pero sa kuwento ng mga nakatatanda sa atin, iyan daw Ang Pasko ay Sumapit ay hindi naman isang Christmas song. Kundi isang martsa na ginamit doon sa pelikulang Pugad ng Agila noong 1938, na ang bida ay sina Armando Cris at Lucita Goyena, na ginawa naman ng Parlatone Hispano Filipino na ang musika ay ginawa ni Josefino Cenizal.

Matapos na iyon ay gamitin sa pelikula, ang musika ay nilapatan ng lyrics ng kanyang kaibigan na kalaunan ay naging isang national artist, si Levi Celerio. Naging malaking hit iyon agad.

Ayon sa record, naisalin ang kanta sa 78 plaka ng iba’t ibang artists.

Bagama’t tuwing Pasko lamang naririnig, ang kinita noon ay maipapantay sa mga standard hit.

Pero nagkaroon din ng controversy ang kantang iyan, dahil may nagsasabi na ang himig niyan ay ginawa ni Vicente Rubi noon pang 1933 sa Cebu at ginamit sa isang zarzuela at binigyan ng titulong Kasadya Ning Taknaa, na ang ibig sabihin ay “masayang panahon”.

May panahong madalas naming kakuwentuhan si Mang Levi doon sa isang barberya sa Sta. Cruz noong araw, at naitanong namin sa kanya iyan.

Ang sagot niya sa amin ay hindi na niya matandaan, pero dahil sa ginamit nga ni Josefino Cenizal sa isang pelikula, sa kanya napunta ang kredito.

Noon ngang bandang huli, dahil pinagtatalunan na kung ginawa iyan ni Cenizal at ni Rubi, sa mga recordings ang nakalagay na lang ay “titik ni Levi Celerio.”

Noon naman kasi wala pang royalty, kaya wala ring masyadong pakialam ang mga composer sa pagma-may ari nilang komposisyon.

Dating aktres na si Lotis key ‘di na naalala ang showbiz, abala sa pagiging manager ng Fil-Am chess grandmaster

Laging kasama ng Fil-Am chess grandmaster na si Wesley So ang dating aktres na si Lotis Key.

Si Lotis kasi ang nanay-nanayan at tumata-yong manager ni Wesley. Siya ang nag-aasikaso ng lahat para sa chess grandmaster para wala na iyong iintindihin kundi ang kanyang mga laro.

Siguro ngayon wala nang nakakaalam, pero hindi na bago ang ganyang trabaho kay Lotis. Aktibo pa siya bilang artista dito sa Pilipinas noong early 70s nang makapartner niya ang tumayong

manager niya noon na si Natalie Palanca sa isang talent managememt

company, na tinawag nilang Mirinas Promotions. Bago pa iyan, isang beauty queen din si Lotis. Siya ay naging Miss Aviation.

May mga ilang artista rin na nagpa-manage sa kanila noon, pero hindi pa kasi uso iyan, kaya wala ring nangyari. Pinasok ni Natalie ang film production, ginawa niya ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa na nagpasikat kay Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa bilang mga aktres.

Sinundan niya iyon ng isang pelikula na bida si Lotis, ang Lady Luck, na idinirek ni Ishko Lopez, pero hindi naman sinuwerte sa takilya.

Tapos si Lotis ay nakapartner na ng comedy king na si Mang Dolphy sa ilang pelikula, hanggang nag-desisyon siyang tumigil sa pag-aartista, nag-asawa, at nanirahan sa abroad. Ngayon visible nga siya ulit bilang manager ng chess grandmaster.

Exploitation sa showbiz, hanggang BI lang

Kung anu-ano ang sinasabi nilang ginagawa para sa mga manggagawa sa industriya, pero bakit nga kaya walang nagsasalita tungkol sa sinasabing “sexual harassment at exploitation” na nangyayari sa showbusiness?

Hindi na bago iyan. Maya’t maya may nababalitaan
tayong nangyayaring ganyan na bumabagsak lamang sa mga blind item. Bakit, talaga bang masyadong “makapangyarihan” ang gumagawa niyan kaya walang maglakas loob na magsalita, bagama’t unti-unti ay may umaamin na kung ano ang nangyari sa kanila?

vuukle comment

JOSE MARI CHAN

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with