^

PSN Showbiz

Mark Anthony, pinakaapektado noon sa hiwalayan nina Rudy at Alma

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mark Anthony, pinakaapektado noon sa hiwalayan nina Rudy at Alma
Mark Anthony

Alam mo ba, Salve, sa hiwalayan ang pinaka-affected ay ang mga bata. Kahit pa nga sabihin natin na, ok hindi pa nila naiintindihan, pero sure akong emotionally broken sila.

‘Yung questions sa utak nila, ‘yung pagtataka bakit biglang naiba ang scenario sa bahay nila.

Hindi ko makalimutan hanggang ngayon ang tanong ni Mark Anthony Fernandez noong bata pa siya, tuwing pupunta siya sa bahay nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino at nakikita niya roon ang mga kapatid niyang sina Rap at Renz, tapos babalik siya sa bahay nila ni Alma Moreno kasama sina Dolphy at Vandolph na ‘sino may ari sa akin, si mama o si Papa?’

Nabigla ako nang itanong niya iyon, na siguro hanggang ngayon nasa sulok ng kanyang utak.

Dapat talaga ang mga bata na nagkakaroon ng ganu’ng problema ay dapat may child psychologist para ipaliwanag ang mga nagaganap at mabigyan ng tamang sagot ang mga tanong nila sa murang kaisipan.

Hindi natin alam, pero feel nila ang mga nangyayari, nadarama nila kahit ‘yung mga itinatago nating problema.

Hindi nga ba sabi nila, mas sensitive ang mga bata.

Kaya nga sana, kahit na hurting at in pain ang mga magulang na naghiwalay, huwag nilang kalimutan ang mga anak nila na kahit ang mga bata ay meron ding emotional pain na nadarama.

We hope for the best, maka-move on ang parents nila at in the same time, maging normal din ang paglaki ng mga anak nila. Na sana sa kanilang paglaki, walang maging epekto sa kanila ang hiwala­yang naganap.

Lian, nadamay

Siguro dahil nga talaga namang walang ganap sa paligid kaya minsan talagang magkakaroon ka ng mental block. At dahil nga kulang ang mga happe­ning, heto at major na balita ang hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes. Noon na marami ang mga nagaganap sa showbiz, usually ang malakas lang ang dating ay hiwalayan ng mga magka-loveteam, o kaya mga superstar.

Pero ngayon, tingnan mo, parang major na balita ‘yung kina LJ at Paolo sa lahat ng platform, samantalang ikalawang broken relationship na nila pareho ito, si LJ kay Paulo Avelino, at si Lian Paz naman kay Paolo. Para bang big major breakup dahil nga walang maiinit na balita ngayon.

Dahil diyan, pati ang nananahimik na si Lian Paz ay naging on the news.

vuukle comment

MARK ANTHONY FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with