^

PSN Showbiz

Angel at Neil bongga ang minanang bahay, may armory sa kanilang bedroom!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angel at Neil bongga ang minanang bahay, may armory sa kanilang bedroom!
Angel at Neil.

Wow may ‘armory’ pala ang mag-asawang Neil Arce and Angel Locsin sa kanilang bagong bahay na minana at ipina-renovate ng mag-asawa na ipinakita nila sa kanilang 2-part vlog sa pamilya ng movie producer.

Ayon kay Angel, ang mga nasabing airsoft guns na naka-display sa kanilang bedroom – sa ibabaw ng TV nila sa loob ng kuwarto ay props pa niya na ginamit nang gawin ang GMA teleserye niyang Asian Treasures and The General’s Daughter.

Bukod dito ay meron din siyang knife collection na nasabing cabinet.

Ayon kay Neil, minsan ‘pag wala silang magawa nilalabas nila ang mga nasabing airsoft gun para mag-target practice sa kanilang garden.

So hindi naman siguro sila mare-red-tag?

Anyway, meron din sila sa bahay na Ferdinand Cacnio brass sculpture na ayon kay Angel ay nakuha niya sa Red Cross auction at Ramon Orlina glass sculpture.

Ipinakita rin nila ang Azor Pascoguin paintings.

Medyo old house na raw ‘yun pero ipina-renovate nila ng konti pero karamihan ay si Angel ang nag-design.

Anyway, super organized si Angel at alam mo kung gaano ka-OC sa bahay.

Alam mo rin na old rich ang pamilya ni Neil base sa ipinakita nila pati ang mga kagamitan na gamit pa ni Neil nung bata pa siya na isinave nila sa nasabing bahay.

 

vuukle comment

NEIL ARCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with