^

PSN Showbiz

Angeline, ramdam pa rin everyday ang presence ng kanyang Mama Bob

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeline, ramdam pa rin everyday ang presence ng kanyang Mama Bob
Angeline.

Ipinagdiriwang ni Angeline Quinto ang kanyang ika-sampung taon sa show business. Bilang selebrasyon ay magkakaroon ‘10Q’ concert series ang dalaga na mapapanood sa KTX.ph simula ngayong Oktubre hanggang Pebrero sa susunod na taon. Sa loob ng isang dekada ay gusto lamang daw ni Angeline na magsilbing inspirasyon para sa mga taong nangangarap katulad niya. “Gusto ko maka-inspire ng maraming tao lalo ‘yung mga mang-aawit na katulad ko na nagsimula sa amateur singing contests, na walang imposible talaga ‘pag meron kang pangarap,” bungad ni Angeline.

Bago pa tanghaling grand champion sa Star Power noong 2011 ay maraming mga paligsahan na ang sinalihan ng singer. Kahit hindi nananalo noon ay hindi pa rin sumuko ang dalaga sa pagsali sa mga singing competition hanggang sa napagtagumpayan niya ito. “Mas sinasabi ko sa sarili ko, kung matalo ka ngayon, sa susunod hindi naman laging matatalo eh. Hindi ko rin talaga binitawan ‘yung pag-asa dito sa puso ko. Gusto ko talagang maging champion one day. Iyon ‘yung tumatak sa sarili ko, kaya ako nagpatuloy,” kwento niya.

Pinagbubutihan ni Angeline ang lahat ng ginagawang trabaho para sa kinilalang ina na si Mama Bob. Matatandaang pumanaw ang ina ng dalaga noong Nobyembre lamang. “Lumalaban ako patuloy, kasi marami pa akong pangarap na gustong matupad. At lahat ng pangarap na ‘yon, kahit wala na ang Mama Bob, gusto ko pa rin matupad para sa kanya pa rin. Kaming dalawa ‘yon eh. Nawala man si Mama na pisikal, na hindi ko na siya kasama sa bahay, hindi ko nakikita every day katulad dati, pero ‘yung presence ng Mama Bob ko, alam ko na kahit saan ako magpunta, nandiyan palagi,” paglalahad ng singer-actress.

AJ, inaming may insecurity

Noong una ay tutol pa ang ama ni AJ Raval na si Jeric Raval sa ginagawang pagpapaseksi ng baguhang aktres. Ayon sa dalaga ay natanggap na ng action star ang kanyang mga ginagawang proyekto ngayon. “Tinanggap na nila na nagpapaseksi ako, lalo na po ‘yung tatay ko. Alam ko na naiintindihan niya dahil artista rin siya. Ang lagi lang nilang sinasabi sa akin ngayon, magpakabait at galingan ko ang acting,” kwento ni AJ.

Ang baguhang sexy star ang kinikilala ngayong bagong Pantasya ng Bayan na naging titulo rin ni Joyce Jimenez noon. Kahit apat na pelikula na ang nagagawa ay aminado si AJ na nakararamdam pa rin ng insecurities dahil sa kanyang mga peklat sa balat. “Kasi noong bata ako, malikot ako. Palagi akong nadadapa, nahuhulog, nasusugatan. Nagkaroon ako ng maraming marks sa katawan. Sa age ko po, dumaraan siguro lahat ng tao na makakaramdam ka ng insecurity hanggang sa matutunan mo na mahalin ang sarili mo. Siguro ganoon pa po ako. Nasa stage pa po ako na nai-insecure ako sa sarili ko. Pero inaaral ko po kung paano mahalin ‘yung sarili,” pagbabahagi ng aktres. Reports from JCC

 

 

vuukle comment

ANGELINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with