^

PSN Showbiz

Misis ng sikat na personalidad, buking na buking na ang stylesa pagdi-display ng mga kayamanan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming-maraming kuwento ang iba-ibang impormante tungkol sa isang kilalang female celebrity. Hindi naman siya artista, pero parang ganu’n na rin, dahil palagi siyang laman ng social media maging ng mga babasahin.

Damay lang naman siya kung tutuusin sa kasikatan ng kanyang karelasyon, pero maraming hindi nagkakagusto sa kanya, dahil may kakaibang personalidad kuno ang female celebrity.

Ang kanilang mga kuwento ay pinaghalong noon at ngayon, ang dami-dami, nakakaaliw na nakakainis ang mga istorya tungkol sa babaeng ito.

Marami nang nalagas sa grupo ng kanyang karelasyon, kung dati’y umaapaw ang kanilang mga kaibigan, ngayon ay kakaunti na lang ang kanilang mga nakakasama.

Kuwento ng unang source, “May mga nagsasabi na hindi raw pumapapel ang girl kapag may nag-iinterbyu sa mahal niyang karelasyon. Nasa isang tabi lang daw siya, nakatingin lang.

“Kung ibang babae lang daw ‘yun na mabentang-mabenta sa interview ang karelasyon niya, e, siguradong papapel, makikisawsaw sa popularity ng karelasyon niya!

“Ang hindi nila alam, e, may kuwento ‘yun, talagang hindi siya makapapapel sa interbyuhan,” unang kuwento ng aming source.

Usapan na pala ‘yun. Kinakausap na ng female celebrity ang isang mi­yembro ng kanilang grupo na ayaw niyang magpa-interview kahit kanino. Hindi siya puwedeng magsalita. Ayaw niya.

Isang source naman ang kumumpirma ng kuwento, dagdag nito, “Lalo na kung sa ibang bansa ang interview, naku, nagtatago siya! Lumalayo siya talaga, dahil baka nga naman pilitin siyang mainterbyu ng mga reporters!

“Hindi rin siya sumasama sa mga formal gatherings na pinupuntahan ng male personality na sikat na sikat, hindi bale na kuno, maiiwan na lang siya sa bahay.

“Paano nga, ninenerbiyos na naman siya, baka siya tutukan ng microphone ng mga reporters, e, hindi siya makasagot! Hindi kasi siya puwede sa ganu’n, pinagpapawisan siya sa mga interbyung Inglisan, talagang iwas na iwas siya!

“May sarili siyang mundo. Dahil hindi siya makapasok sa mundo ng lovey dudz niya, e, bumabawi na lang siya sa ibang paraan! Di ba naman, effective ang kadramahan niya?

“Maraming pumapansin sa kanya, palagi siyang laman ng social media, dahil parang taas-noo niyang tinatanong ang buong bayan, ‘Ano, meron ba kayo nito? Kaya n’yo bang bumili nitong mga suot ko? Ganu’n!’

“Nakakaloka siya! Iba rin ang babaeng itey!” humahagalpak pang pagtatapos ng nakairap naming source.

Ubos!

Biyaya kay Pacman, buhos pa rin

Napakatindi ng milagrong ibinigay ng kapalaran sa ating Pambansang Kamao. Napakatiyaga naman kasi ni Pacman, walang kayabangan, marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakasama niya sa kanyang pangangarap.

Milagro talaga ang mga biyayang tinanggap niya bilang sikat at mabangis na boksingero. Walong sinturon sa iba-ibang dibisyon ang hawak niya, mahirap nang mahabol-mapantayan ang karangalang ‘yun, natalo man siya sa kanyang huling laban ay siya pa rin ang itinuturing na kampeon ng mga kampeon sa kasaysayan ng boksing.

Pero sa kabila ng kanyang katanyagan at kayamanan ay hindi pinagbabago ng panahon si Senador Manny Pacquiao. Binabalikan niya pa rin kapag maluwag ang kanyang oras ang mga kaibigan niya sa isang lumang gym sa Sampaloc na nakasama niya nu’ng walang-wala pa siya.

Kuwento nga ni Tito Reli de Leon, kaibigan namin ni Pacman, “Nu’ng mga unang laban pa lang niya, e, sa tabi ng kalye lang siya nagluluto. Kapag nandu’n kami ng mga kaibigan namin, e, pinahihigop niya kami ng sabaw ng iniluluto niyang tinola.

“Tinatanong namin siya, ‘O, bakit puro papaya at malunggay lang ito? Nasaan ang manok?’ Ang sagot niya, bukas pa ang laban ko. Kapag nanalo ako, may ipambibili na ako ng chicken!”

“Ang sarap-sarap alalahanin nu’n, sila lang ni Buboy Fernandez ang magkasama sa isang maliit na kuwartong inuupahan nila,” pag-alala ni Tito Reli.

At nu’ng kasagsagan pala ng karera sa pagkanta ng tinaguriang Shirley Bassey ng Pilipinas na si Inang Willy Jones na magaling na komedyante ng mga comedy bars ay nakasama nito si Pacman sa Fame Theater.

Singer si Inang Willy at janitor naman sa teatro si Pacman. Tanong ng komedyante, “Kilala pa kaya ako ni Manny? Palagi kaming magkasama nu’n sa Fame.”

Ang may-ari ng sari-sari store na malapit sa gym sa Sampaloc na inuutangan nila ni Buboy kapag wala silang pera ay sinorpresa ni Senador Manny Pacquiao.

Dinalaw niya ang matanda, binigyan niya ng pangdagdag-puhunan sa tindahan, ganu’n siya magbigay ng pagpapahalaga sa mga nakasama niya nu’ng ang pagiging kampeong boksingero ay pinapangarap pa lang niya.

Walang nagbabago sa kanyang ugali. Mapagpakumbaba pa rin siya. Kaya naman binaha siya ng mga biyaya.

vuukle comment

WEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with