^

PSN Showbiz

Mikael at Megan, ‘di natuloy ang pagtira sa Subic

Pilipino Star Ngayon
Mikael at Megan, �di natuloy ang pagtira sa Subic
Mikael
STAR/ File

Hindi pala natuloy ang paglipat ng mag-asawang Mikael Daez and Megan Young sa Subic.

Though nakabili na sila ng property, nagkaroon ng changes ang kanilang plano nang nagbabalak na silang mamuhay sa probinsiya pero biglang nagkaroon sila ng trabaho.

“Akala talaga namin, lilipat na kami,” sabi ni Mikael kahapon sa media confe­rence after ng renewal ng kanyang contract with GMA Artist Center. Pero ‘yun nga raw, mas magiging ok sila kung andito sa Manila dahil sa trabaho.

Sa dating condo pa rin nila sila nakatira ngayon. “Dito pa rin kami sa dating lugar. Although it looks different dahil may mini studio na kami rito para sa mga work namin,” paliwanag ng actor.

Na-realize raw kasi ni Megan na mas magiging madali ang trabaho nila ‘pag andito sila sa Manila dahil sa mga quarantine restriction.

More than 10 years na si Mikael as Kapuso na unang napanood sa Amaya noong 2011 pero mas nakilala sa teleseryeng Love of My Life na umeere ngayon sa Netflix.

January 2020 nang ikasal sila ni Megan kaya timing nang mag-lockdown, parang nasa honeymoon stage sila.

Ngayon ay wala pa silang planong magkaanak, ine-enjoy pa nila ng former beauty queen na silang dalawa muna.

vuukle comment

MEGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with