BIR, naka-alert na sa mga vlogger na nakakabili ng mansion at luxury vehicles!
Grabe, umabot diumano sa P50 to P100 million ang kinikita ng vlogger couple na iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
At nakabili diumano ang nasabing couple ng mga luxury vehicle at nakapagpagawa rin ng mansion sa Metro Manila.
Ayon sa lumabas na statement ng BIR kahapon sa social media, may more than 11 million subscribers ang nasabing couple pero hindi pa nila binanggit ang mga pangalan nito.
At kahit daw burado na ang channel ng nasabing couple puwede pa rin silang habulin sa hindi pagbabayad ng tamang buwis lalo na nga at may paper trail.
Ang vlogger couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ang kabubura lang ng YouTube channel kung saan meron silang 12 million followers pero hindi nga sila binanggit ng BIR.
May iba pa raw iniimbestigahan din na vlogger na tumatanggap ng millions mula sa kanilang social media platforms.
- Latest