^

PSN Showbiz

Replay episodes ng TIPMMG, napagkamalang bago! Alden, may oras na sa pag-aaral

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Happy Tuesday sana kahapon pero wala tayong Take It… Per Minute Me Ganon, Salve, kasi nga mas mabuting sa month of September tayo mag-umpisa uli.

Sobra kasi ang hawahan ngayon ng covid-19 everyday kaya iniiwasan din natin na makasali pa tayo sa problema.

Pero sabi ng IATF, by September granular na lang ang gagawing mga lockdown at depende na sa local government officials kung ano ang desisyon nila per city.

Mabuti na nga at nakita na ring hindi lockdown ang sagot, huwag lang talagang maraming tao ang nagsasama-sama sa isang maliit na lugar dahil mabilis nga ang hawaan.

Ay naku, miss na miss ko pa naman ang followers natin na walang sawa sa panonood sa TIPMMG.

Miss ko na ang Obra ni Nanay lunch, sina Cristy Fermin at Mr. Fu, sina Japs Gersin, Tina Roa, Richie at PJ.

Hay, three weeks na pahinga, pero dahil sa replay sa YouTube ng episodes natin, ang iba akala ngayon lang nangyari ang issues na napag-usapan natin. Kaya ngayon lang nag-react iyon iba. Naku noh dahil sa lumang issue hayun, ang dami na namang nag-nega.

Kaya promise ko, iyon lang alam ko na level headed at mataas ang comprehension na mga alaga ko ang bibiruin ko para walang nagtatampo at naiintindihan ang kagagahan ko.

 

Mabuti na lang at uso ang mga Zoom meeting o virtual presscon para kahit papaano merong fresh news sa stars na napapanood sa mga serye.

Like naipaliwanag nang mabuti nila Alden Richards ang reason kung bakit magkakaroon ng season break ang The World Between Us.

Talagang sa kagustuhan ng management na mabigay ang the best para sa followers ni Alden, hinto sila and magkaroon ng meeting of minds sa mga bagong eksena na ilalagay.

Buti naman dahil makakasali na uli sa Eat Bulaga si Alden, ‘yung online studies niya mahaharap niya, and then pagbalik ng The World Between Us, bongga, better and more good looking si Alden.

Siguro masisingit na rin ‘yung project nila ni Bea Alonzo, kaya naman work to the bones na naman si Alden na lalo pang ikatutuwa ng kanyang fans.

vuukle comment

TIPMMG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with