^

PSN Showbiz

‘Amy-nin’ ni Tyang Amy, bagong­ ­online ­sumbungan sa FYE channel

Pilipino Star Ngayon

Isyu man sa ghosting, online bashing, at iba pang kalokohang ‘di dapat palampasin, handa nang tumulong ang Kapamilya host na si Amy Perez sa mga nagnanais pag-usapan at tapusin ang kanilang alitan nang harapan sa Amy-nin: Deserve Mo ‘Yan.

Mapapanood ang bagong virtual sumbungan ng FYE channel sa Kumu tuwing Martes at Huwebes, 4:30 p.m. simula August 24.

Bibigyang pagkakataon ni Tyang Amy ang mga taong kasali sa usapin na ilahad ang kanilang mga hinanakit o ipaintindi ang kanilang mga dahilan. Sa pamamagitan ng mga payo ng host at Kumunizens, uudyukan din sila na iresolba ang kani-kanilang isyu, hu­mingi ng paumanhin, o magpatawad.

Asahan na ang matitinding talakayan sa usaping pag-ibig at pangangaliwa, panggagantso, at iba pa sa pagsisimula ng Amy-nin para rin magbigay-linaw at gabay sa mga manonood.

Si Amy na nga ang pinakabagong Kapamilya artist na kasama na rin sa FYE channel family. Ang FYE ay may hatid na kuwela at makabuluhang talk shows sa Kumu. Meron na itong 360,000 followers na nag-aabang sa iba’t ibang livestream tungkol sa lifestyle, sports, public affairs, at showbiz.

Magsisimula na ang Amy-nin: Deserve Mo ‘Yan sa Martes (August 24), 4:30 p.m. Magdownload na ng Kumu app (app.kumu.ph/fyechannel) at sundan ang @fyechannel.

vuukle comment

AMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with