^

PSN Showbiz

Mark, nakahanap ng tagapagtanggol sa maling paraan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mark, nakahanap ng tagapagtanggol sa maling paraan!
Mark
STAR/ File

I refuse to get mad, Salve. Pero hindi ko pa rin palalagpasin ang kakitiran ng utak ng ilang taong nagtatanggol kay Mark Herras na hindi ko na babanggitin ang pangalan.

Actually, natutuwa ako at meron palang followers si Mark na handa siyang ipagtanggol ‘pag meron siyang napasukan ng issue.

Ok, number 1) Sa lahat ng alaga ko, parang pamilya ang relasyon namin, nasasabi ang problema nila at para nila akong nanay.

Number 2) Hindi lang si Mark ang taong nanghiram sa akin ng pera, pero never akong nagsalita.

Number 3) Kung ginusto kong siraan si Mark, sana nilagay ko sa Instagram, isinulat ko sa column at sinabi ko na sa lahat.

Pero nang araw na iyon na nanghiram si Mark ng ganun kaliit na halaga, talagang nagalit ako dahil Mark Herras ka, wala kang ganyan kaliit na pera?

‘Yung kasama ko sa bahay merong ipon na P120K, kasambahay lang iyon, ikaw artista wala?

Galit, iritasyon at awa ang naramdaman ko. Kaya siguro nung nasa Take It, Per Minute… Me Ganon!, nabanggit ko, naikuwento ko.

Pero in fairness, medyo na-guilty rin ako dahil nga parang hiniya ko si Mark.

Now, doon sa nagtatanggol sa kanya, puwede ba na huwag kayong overacting na gumagamit pa ng masamang mga salita. Sana, mas natulungan n’yo pa si Mark at kung pinayuhan n’yo na sanang maging seryoso sa trabaho, maging professional, at pagbutihin ang acting para nakasabay sa stars na naungusan na siya sa popularity baka mas marami siyang assignment ngayon.

Kung talagang mahal n’yo si Mark sana advice na maganda ang gawin n’yong tulong sa kanya.

Gusto ko na ngang magtaray at magsabi, mahal n’yo pala siya, sana kayo ang nagbigay ng pera na kailangan niya.

Alam n’yo ba na sa halip na maging tulong ang ginagawa n’yo, lalo pa rin siyang nade-degrade dahil sa reaction n’yo, alam na ng lahat na wala siya ng ganun kaliit na halaga.

Hindi malaking bagay sa akin ang hiniram ni Mark, ang punto ko lang, sa status niya, kalokah na ganun lang ‘kaliit’ wala siya?

Iyon ang ikinagalit ko, at sinabi ko sa kanya. Na kung noon ipinakita niya na seryoso siya sa trabaho, at kung noon binigyang halaga niya ang kinikita niyang pera, hindi siya aabot sa ganyang kalagayan.

So sana makuha n’yo ang punto ko ha.

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with