^

PSN Showbiz

Pauleen, apaw ang kaligayahan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pauleen, apaw ang kaligayahan!
Pauleen, Talitha at Vic.

Tuwang-tuwa ako ‘pag nakikita ko how happy ang pamilya Sotto nina Vic, Pauleen at Talitha.Talagang kita mo kasi ang happiness sa mga mukha nila ‘pag magkakasamang naglalaro, swimming o anumang activity sa bahay nila.

I have never seen Pauleen this beautiful, punung-puno ng confidence at peace ang mukha. Para bang ngayon lalo niyang na-enjoy ang happy married life niya.

Grabe ang suwerte ni Talitha na talagang buong araw kasama ang mommy at daddy niya. Meron talagang babae na mas gumaganda ‘pag may asawa at anak na, gaya ni Pauleen kaya mas mukha ngang mas maingat pa sa katawan niya ngayon kesa nung dalaga pa siya.

Sure ako na pinaka-happy sa lahat ang mommy Chat ni Pauleen na talagang tulad ng lahat ng nanay ay wish na maging maayos ang buhay may asawa ng kanilang mga anak.

At kung spoiled si Talitha sa mommy Pauleen at daddy Vic niya, mas lalo siyang spoiled sa lola Chat niya na mas excited pa sa kanya nang iluwal siya ni Pauleen.

Happy family life, iyan ang pinaka-ultimate na wish ng bawat babae. And we can say, heto, iyan na ang nadarama ni Pauleen. 

KC, mas at home sa abroad

Dumalaw daw sa practice ni champ Manny Pacquiao si KC Concepcion. Siguro manonood ng fight si KC dahil nandun na siya. Maganda at mukhang nakapahinga nang husto si KC dahil ang aliwalas ng mukha niya sa photos nila ni Manny.

Siguro nga mas at home ang feeling ni KC sa abroad, dahil din siguro sa abroad siya nagtapos ng college at matagal na foreigners ang mga nakakasama niya.

Baka nga mas type pa ni KC na foreigner ang maging BF dahil sa iba ang kultura ng mga ito.

We wish KC Concepcion a quiet and happy life dahil siyempre nung bata pa siya ay dinala rin niya ang lungkot ng paghihiwalay ng mga magulang niya na very public dahil nga top loveteam ang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Now na malaki na siya, at ready na to have a family of her own, sana maging maganda ang kanyang family life, buo ang pamilya, mababait na anak.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with