^

PSN Showbiz

Mahal, binisita sa bundok si Mura!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mahal, binisita sa bundok si Mura!
Mygz, Mahal at Mura.

Sa loob ng isang araw, mahigit 1.2M views na ang vlog ng indie actor na si Mygz Molino, ang partner ngayon ng komedyanteng si Mahal. Ipinost nila noong nakaraang Linggo ang vlog nila ni Mahal nang magpunta sila sa Albay na kung saan doon nakatira si Mura. Mahigit 30 minutes ang vlog na ipinakita ang buong biyahe nila papunta kina Mura sa Albay.

Sinunod nila ang safety protocols at nagpa-RT PCR muna sila bago tumulak pa-Albay. By land sila nagbiyahe at gabi na sila dumating ng Bicol.

Naligaw sila ng daan, hanggang sa nag-decide silang magpalipas na lang ng gabi sa kotse, para hindi sila mahirapan dahil hindi na raw nila ma-contact si Mura na magga-guide sana sa kanila kung paano makarating sa kanyang lugar. Pagkagising ay itinuloy ang biyahe hanggang sa nagtagpo na sila ni Mura na naghintay sa kanila sa baba ng bundok.

Hindi na raw kaya ng kotse paakyat sa bundok na kinatitirikan ng bahay ni Mura, kaya iniwan na nila ang kotse at nag-motor na sila paakyat.

Ang saya-saya ni Mahal na nakipagtsikahan kay Mura paakyat ng bundok. Ilang sandali lang silang nasa motor, kailangan na nilang bumaba dahil hindi kaya ng motor ang maputik na daan. Umulan kasi kaya maputik ang kalsada paakyat sa lugar ni Mura. Naglakad na sila. Kailangan nang magpaa ni Mygz dahil madulas kung nakatsinelas.

Karga ni Mygz si Mahal at si Mura naman ay karga rin ng pamangkin niya. Ang saya-saya pa rin ni Mahal na tawa lang nang tawa.

Hanggang sa nakarating na sila sa bahay ni Mura, pagod na pagod na si Mygz. Halos isang oras at kalahati raw silang naglakad paakyat ng bundok. Kaya talagang hinihingal na si Mygz sa sobrang pagod dahil karga pa niya si Mahal paakyat.

Tahimik lang lugar at relaxing na napapaligiran ng mga tanim. Minsan daw ay tumutulong si Mura sa pagtatanim ng mais, pero mahina na raw siya at madaling mapagod sanhi ng pagkaaksidente sa kanya sa traysikel na sinasakyan niya noong taong 2010. Gumaling naman daw siya, pero humina raw talaga ang katawan niya, at hirap siyang maglakad dahil sa lumiit na ang kanang paa niya dahil ikinast ito nang matagal-tagal.

Gusto na nga raw ni Mura na makabalik sa showbiz pero mahina na raw ang paa niya kaya mabagal na siya maglakad.

Ang saya ng tsikahan nila at miss na miss na nga raw nila ang isa’t isa dahil mahigit dalawang taon na raw silang hindi nagkikita.

Hindi naman nabanggit ni Mura na kailangan niya ng tulong, basta gusto lang daw sana niyang makabalik sa trabaho.

Hindi pa nila napag-usapan ang balak ni Vhong Navarro na pagbigay ng financial help kay Mura. Pero parang tahimik at simple lang naman ang buhay niya rooon sa Albay.

Magaganda ang feedback sa vlog na iyon. Natutuwa sila sa pagiging masayahin ni Mahal at bumilib sila kay Mygz kung paano alagaan at nakikita talaga niya ang concern sa komedyante.

Boobay, pinaiyak sina Jelai at Faye

Nasilip ko rin ang vlog ni Boobay na ipinost din noong Linggo.

Nag-prank na naman siya kasabwat ang kasamahan niya sa The Boobay and Tekla Show na si Pepita Curtis.

Sina Jelai Andres at ang Kapuso sexy actress Faye Lorenzo ang pinaglaruan nila na kasama nila sa dressing room. Nagdrama sila ni Pepita na nawala ang wallet ni Boobay na may laman na P20K. Pinagbintangan nilang sina Faye at Jelai ang nagnakaw.

Ang galing ng acting ni Boobay na galit na galit sa dalawa at pinipilit na ibalik ang ninakaw daw na wallet. Intense na ang mga eksena na pinapahalungkat na nina Jelai at Faye ang bag nila para mapatunayang wala roon ang wallet. Hanggang sa umiiyak na si Faye sa takot dahil magre-report na si Boobay sa security guard. Si Jelai naman ay nag-offer nang pahiramin na lang niya ng 20K si Boobay.

Lumabas na ng kuwarto sina Boobay at Pepita para magsumbong kunwari sa security guard.

Habang nag-iiyak na si Faye at natataranta na si Jelai sa pagpapatahan kay Faye, biglang pasok uli sina Boobay at Pepita para sabihing “It’s a prank!”

Nagtatawanan na sila, kahit halos mugto na ang mata ni Faye sa kaiiyak.

Hindi siya maganda! Hindi na nakakatuwa ang ganung pag-prank, at sa totoo lang itigil na sana ‘yang kapa-prank sa mga vlog.

Kung sa akin ginawa ni Boobay ‘yun, baka nasipa ko siya! Kahit prank lang iyon, hindi pa rin magandang paglaruan kang magnanakaw.

Halos isang araw pa lang itong vlog ni Boobay, naka-mahigit 500K views na ito.

vuukle comment

MYGZ MOLINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with