^

PSN Showbiz

Eugene, oa ang happy birthday sa primetime queen

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nakaw-eksena ang paraan ng pagbati ni Eugene Domingo sa birthday ni Marian Rivera.

Bilang pagbati ay ginaya ni Uge ang litrato ni Yan sa promo pic nito para sa negosyo niyang Flora Vida by Marian.

Ito ‘yung litrato ni Marian na may hawak na bulaklak at sobrang ­cinematic ang dating.

Ginaya ni Uge ang pose ni Yan pero sa halip na bulaklak ang hawak eh puting basahan na pang-mop ng sahig! Ang caption pa ng komedyana sa kanyang Instagram post, “Who wore it better? Walang pag-uusapan. Makapaglinis na nga.”

Bumawi siya sa mensaheng, “A really nicee person ang adorable ­woman”.

Hindi lang si Eugene ang nagpaabot ng pagbati sa GMA Primetime Queen.

Ilan sa bumati sa kanya ay sina VP Leni Robredo, Ai Ai de las Alas, Boobay, Ana Feleo, Sharon Cuneta at ibang Kapamilya stars gaya nina Angel Locsin, Anne Curtis, Enchong Dee at marami pang iba.

Mother Lily, proud kay Goldwin

Proud mother ngayon si Mother Lily Monteverde sa latest achievement ng anak niyang si Goldwin Monteverde na napiling maging head coach ng UP Maroons Basketball team para sa UAAP.

Inanunsyo ito sa isang statement ng UP Chancellor Fidel Nemenzo.

Bago ang appointment, naging coach ng National University Bulldogs team at bago ‘yon, hinawakan niya ang NU Bullpups na junior team ng university.

Sa larangan ng sports nag-excel si Goldwin habang ang mga anak niyang sina Dondon at Roselle ay sinundan ang yapak ng ina sa movie production.

Congratulations, Goldwin at kay Mother Lily!

vuukle comment

EUGENE DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with