^

PSN Showbiz

Maris, natakot noong aminin si Rico!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maris, natakot noong aminin si Rico!
Maris
STAR/ File

Nakaramdam ng takot noon si Maris Racal na ipaalam sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ni Rico Blanco. Matatandaang nitong Mayo lamang nalaman ng publiko na magkasintahan na ang dalawa.

Dalawampu’t limang taon ang pagitan sa edad nina Rico at Maris kaya nagdalawang-isip pa ang aktres noong una na ipaalam ito sa ibang tao. “Lagi po naming pinag-uusapan, pero every time na ganoon ang topic, natatakot ako, napi-pressure ako. Kasi natatakot ako sa kung ano ang iisipin ng mga tao. Kasi strange ‘yung relationship namin because of the age gap. It’s like the big elephant in the room. Pero I’m really surprised sa reaction nila. Hindi ko in-expect na matutuwa pala sila,” nakangiting paliwanag ni Maris.

Bukod sa musika ay magkasundo rin ang magkasintahan pagda­ting sa kanya-kanyang pamilya. “Pareho kaming may malaking family and very close together. So gets namin kung paano mag-treat ng family. So ‘yun ang pinakaimportante talaga sa amin,” dagdag ng dalaga.

Bilang nobyo ay napakasimple lamang umano ng musikero ayon kay Maris. Kaya madalas kiligin ang aktres sa tuwing binibigyan siya ni Rico ng mga bulaklak. “Parang hindi naman siya ‘yung tipong araw-araw na nagbibigay ng bulaklak. Pero siguro every time na nagbibigay siya ng flowers, kinikilig ako kasi hindi siya ganoon, simple lang siya. So every time na may ibibigay siya, parang kinikilig ako,” pagtatapat ng aktres.

Ronnie, marami pang gustong gawin

Kahit abala si Ronnie Liang sa kabi-kabilang trabaho ay nagawa pa rin ng singer na makapag-enroll para sa kanyang master’s degree.

Napapanood si Ronnie tuwing gabi bilang isa sa mga Jukeboss o hurado ng Sing Galing sa TV5.

Bukod dito ay abala rin ang binata sa pagiging Army at Piloto pero naisisingit pa rin ang virtual classes tuwing Sabado. “Sa pandemic na ito na-realize ko ang importance ng education plus it’s my dream din talaga to take master’s degree and to increase the level of my education. And since nagse-serve na rin ako sa bayan natin as a reservist sa Philippine Army kaya kinuha ko ang Major in National Security and Administration. I always believe that learning has no boundaries and has no limits,” mensaheng ipinadala sa amin ni Ronnie.

Malaki ang pasasalamat ni Ronnie dahil nagagawa pa rin sa gitna ng pandemya ang mga bagay na gusto niya. “I am grateful sa mga blessings na ito and sa opportunities na dumarating. I always grab those opportunities na ibinibigay sa akin with all of my heart. Knowing that I will always do my best sa lahat ng mga ito,” giit ng singer.

Marami nang napatunayan si Ronnie sa sarili pero mayroon pa siyang ibang mga pinapangarap sa ngayon. “Sa showbiz, praying that someday na magkaroon ng teleserye with a leading role and solo concert sa Araneta Coliseum, ha-ha-ha! I know in God’s perfect time it will happen. Sa pagpipiloto naman, makapasok sa airline as Pilot in command. And sa iba, usually hindi ko ina-announce ang mga next move ko, ‘til nangyari or tapos na,” pagbabahagi ng binata.

(Reports from JCC)

vuukle comment

RICO BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with