^

PSN Showbiz

Pelikulang puro loveteam ang bida, pinagsawaan na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pelikulang puro loveteam ang bida, pinagsawaan na!
The Boy Foretold by the Stars

Mga nagbebenta sa online, nakaka-engganyo

Masyado siguro ako naging biased sa mga local movie natin. Kasi ngayon na panay ang pa-nonood ko sa TV, ang dami ko naman napapanood na magandang pelikula o dating serye na nagustuhan ko naman.

Baka nga dahil sa rami dating ginagawang pelikula at serye kaya naging paulit-ulit ang plot ng istorya. O baka nga dahil loveteam centered tayo kaya nagsawa ang mga manonood na lagi na lang nakasentro sa loveteam.

Iyon napanood kong indie dahil wala naman kahit isang kilalang artista, nag-enjoy ako. Ito ‘yung The Boy Foretold by the Stars na kasali pala sabi ni Salve sa 2020 Metro Manila Film Festival. Napanood ko ‘yun sa Cinema One.

Istorya ito ng isang bagets na gay, ang husay ng mga new star na hindi ko kilala at hindi sikat, pero ang galing magbitaw ng mga dialogue.

‘Yun naman pelikulang Seven Sundays dalawang ulit ko pinanood pero engrossed pa rin ako dahil ang huhusay lahat ng artista, at bagay na bagay sila sa mga role na ginampanan nila.

Ganundin ang Pinulot ka Lang sa Lupa, nadala ako sa mga dramatic na eksena.

Siguro nga ang lamang ng mga Korean, konti lang kasi ang ginagawa nilang pelikula at serye. Saka hindi uso sa kanila ang loveteam. Saka napagbubuti nila ang istorya dahil nga hindi maramihan kung gumawa sila. Hindi gaya natin na talagang nung golden days ng movie, every week four o six na bagong pelikula ang inilalabas, tumatagal ng limang taon ang isang serye. Kaya siguro nagsawa tayo at hindi napansin na marami rin tayong magandang pelikula at serye.

Saka naging addict lang tayo sa mga foreign movie kaya iniwan natin ang showbiz natin. Pumasok ang Korea, Chinese at Latino, kaya hindi natin napansin na marami rin palang maganda sa mga nagawa natin.

 

Palagay ko ang daming mga tao na nagda-down size sa mga gamit nila. Tuwing nagba-browse ako sa Instagram, ang dami kong nakikita na mga ipinagbibili na pre-owned bags, shoes, watch, jewelry o mga gamit sa bahay.

Mabuti na lang, hindi ako madaling ma-tempt pag photos lang ang nakikita ko, iba rin kasi iyon in person mo nakita iyon mga bagay na inaalok. Parang mga masyado ngang mura ang mga naka-quote na price na talagang mag-iisip kang bilhin lalo pa at magustuhan mo.

Kahit iyong mga pagkaing nasa IG talagang parang ang sarap-sarap.

Saka madalas kasi iyon mga balita na nagkakaroon ng eklayan sa mga ganitong deal, iyon bang pag nag-contact na kayo kadalasan hindi yata maganda ang mga pangyayari kaya natatakot din iyon iba.

Either, manloloko iyon nagbebenta, or nanloloko ang nagsabing buyer.

Iba pa rin iyon kilala mo mga kausap mo, lalo na pag merong involved na pera.

Sa panahon ngayon, nakakatakot din iyon nakiki-pag-deal ka sa hindi mo kilala. Pero kung kilala mo, ok lang. Dahil talaga naman big bargain iyon inaalok, lalo na iyon mga pre-owned bags at watches.

vuukle comment

MMFF

MOVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with