^

PSN Showbiz

Tonton at Glydel, limot na kung kailan huling nagkatrabaho

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Tonton at Glydel, limot na kung kailan huling nagkatrabaho
Tonton at Glydel.

Hindi na maalala ng mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado kung kailan sila nagkatrabaho sa isang teleserye o pelikula. As in limot na raw nila.

Pero ngayong Sabado, mapapanood ang mag-asawa sa fresh episode ng Magpakailanman.

Maaantig nga ang puso ng mga manonood sa nakaka-inspire na kuwento ng isang babae (Glydel) na tinamaan ng cancer at ang kanyang misyon na maging biyaya sa ibang tao sa episode na pinamagatang I Will Survive: The Lynlin Enriquez Dumoran Story. Makakasama rin ng mag-asawa sina Kiel Rodriguez, Jeniffer Maravilla, at Jeremy Sabido.

Isang mapagmahal na asawa si Lynlin (Glydel) kay Waldo (Kiel). Labis niyang hinahangaan ang asawa sa kasipagan at kabutihan nito lalo na sa kapatid na si Eddie (Tonton) na nalulong sa bisyo matapos iwan ng asawa.

Nais ni Waldo na ayusin ang buhay ni Eddie subalit mamamatay siya at guguho ang mundo ni Lynlin. Matapos ang pagpanaw ni Waldo ay mahuhulog ang loob sa isa’t isa nina Lynlin at Eddie at unti-unti na ring bumuti ang ugali ni Eddie. Kahit na marami ang tutol sa kanilang relasyon, alam ni Lynlin na wala silang ginagawang mali.

Subalit masusubok ang kanilang pananampalataya nang tamaan ng Stage 3 Breast Cancer si Lynlin. Paano nga ba nila malalagpasan ang pagsubok na ito?

Tunghayan ang natatanging pagganap nina Glydel at Tonton ngayong Sabado, 8 p.m., sa GMA 7.

Bea at Dominic, kinumpirma na ‘lover’

Nag-share na ng confirmation ng kanilang relasyon ni Bea Alonzo si Dominic Roque sa photo dump nila sa California. Sweet photos nila ito sa Napa, California.

First time nitong nag-share ng sweet photos nila ng now Kapuso actress na balitang guesting-guesting muna ang appearance sa GMA 7 bago sumabak sa teleserye na si Alden Richards diumano ang makaka-partner eh may running teleserye pa ang actor, The World Between Us.

Three months na lang din daw kasi ang airing ng tele­serye kaya hindi naman daw matagal ang ipaghihintay ni Bea.

Si Dominic kaya, saang teleserye mapapanood?

By the way, nauna nang nag-post si Bea ng ‘into the woods’ photos nila ni Dominic na sinasabing nang mag-out sa relasyon nila ni Bea ay na­ging cold na ang friendship nito sa tropa nila nina Daniel Padilla.

 

vuukle comment

TONTON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with